BREAKING NEWS

DepEd magtatayo ng higit 16k classroom mula sa P105-B PPP

DepEd magtatayo ng higit 16k classroom mula sa P105-B PPP

MAGTATAYO ang Department of Education (DepEd) ng 16,459 classrooms sa bansa sa pamamagitan ng public-private partnership (PPP).

Ito ang inanunsyo ni Education Sec. Sonny Angara matapos aprubahan ng Economy and Development Council (ED Council), na pinamumunuan ni Pangulong  Marcos Jr., ang public-Private Partnership for School Infrastructure Project Phase III (PSIP III).

Nagkakahalaga ng P105.7 bilyon ang itatayong mga bagong silid-paaralan.

"Hindi na pwedeng umasa lang tayo sa iisang paraan. PSIP is one of our horses in this race to deliver classrooms faster to our communities. 

"Every classroom we build reduces congestion, improves safety, at nagbibigay ng sapat na espasyo para makapag-aral nang maayos ang mga bata at makapagturo nang epektibo ang mga guro," sabi ni Angara.

Paliwanag ng kalihim ang PSIP III  ay bahagi ng reporma para sa mabilis na pagpapagawa ng mga silid-paaralan.

Kasama sa proyekto ang pagpapatayo ng halos 24,000 classrooms ngayon taon na kasama sa 2026 national budget.

Inaasahan na 800,000 na mag-aaral ang makikinabang sa gagawing mga bagong silid-paaralan sa pamamagitan ng PSIP Phase 3 at inaasahan na matatapos ang konstruksyon sa Marso 2028.

The post DepEd magtatayo ng higit 16k classroom mula sa P105-B PPP appeared first on Bandera.


DepEd magtatayo ng higit 16k classroom mula sa P105-B PPP DepEd magtatayo ng higit 16k classroom mula sa P105-B PPP Reviewed by pinoyako on January 12, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close