BREAKING NEWS

Meiko Montefalco napamura, hindi sanay masabihan ng ‘I’ll pay for it’

Meiko Montefalco napamura, hindi sanay masabihan ng 'I'll pay for it'
Meiko Montefalco, Patrick Bernardino at ang 'Mystery Guy'

TAGOS na tagos ang patutsada ng social media personality na si Meiko Montefalco laban sa isang taong "matagal na raw niyang binubuhay".

Napamura ang content creator nang may magsabi sa kanya ng, "I'll pay for it" dahil hindi raw siya sanay na may taong nagbabayad ng "something" para sa kanya.

Sa kanyang Facebook account, hugot na hugot si Meiko sa ipinost niyang mensahe na may kinalaman sa naranasan niya recently kung saan may ibang taong nagbabayad para sa kanya.

"Jusko put*ngna papano ba tumanggap pag sinabihan akong 'I'll pay for it?' Di ako sanay. 

"Ilang taon din kasi na ako bumubuhay e. Ganto pala pakiramdam pag sagot ka nila?" ang chika ni Meiko na naging kontrobersyal nang makipaghiwalay sa kanyang asawang si Patrick Bernardino dahil sa isyu ng cheating.

Walang binanggit na pangalan si Meiko pero ang feeling ng kanyang mga followers, ang tinutukoy niya ay ang estranged husband na si Patrick habang ang nagsabi sa kanya ng "I'll pay for it" ay ang sinasabing bago niyang dyowa.

Narito ang ilang nabasa naming comments sa post ni Meiko.

"Disney princess ka ngayon mi."

"Deserve mo qng anong meron ka ngaun miii."

"Princess kaana muna daw ngayun pretty ate mai."

"Deserve na deserve mo kung anong meron ka."

Kamakailan ay tila may pa-"hard launch" ang social media personality sa bagong lalaking nagpapaligaya sa kanya na malayung-malayo raw sa itsura ng nakahiwalay niyang asawa.

Pang-aasar nga ng netizens, mukhang upgraded na raw ang taste ni Meiko sa lalaki. 

Pati nga ang sikat na social media personality na si "Senyora" ay napakomento ng, "Good morning sa lahat! Lalo na kay Meiko na napunta na rin sa tunay na tao. Congrats!" 

Sa ngayon ay hindi pa kinukumpirma ni Meiko kung dyowa na nga niya ang "mystery guy."

The post Meiko Montefalco napamura, hindi sanay masabihan ng 'I'll pay for it' appeared first on Bandera.


Meiko Montefalco napamura, hindi sanay masabihan ng ‘I’ll pay for it’ Meiko Montefalco napamura, hindi sanay masabihan ng ‘I’ll pay for it’ Reviewed by pinoyako on January 12, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close