Knowledge Channel 25 years nang naglilingkod sa kabataang Pinoy

IPINAGDIWANG ng Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) ang kanilang ika-25th anibersaryo bago tuluyang magpaalam ang 2025.
Pinangunahan ni KCFI president at co-founder Rina Lopez ang selebrasyon na naganap noong nakaraang November 27, 2025, kung saan binigyang-diin niya ang paniniwalang kayang baguhin ng edukasyon ang buhay ng isang tao.
"Reach more. Teach more. Lead with heart. Strive for excellence," ani Rina "Para sa mga bata. Para sa pamilya. Para sa komunidad. Para sa bayan. At higit sa lahat, para sa Diyos," ani Lopez.
Binigyang-halaga rin sa nasabing event ang mga programang tungkol sa early childhood development gaya ng "Wikaharian," "Ready, Set, Read!," "MathDali," "I Love You 1000," at "The KCare Training Program" na nagbibigay sa child development workers, barangay health workers, nutrition scholars, at caregivers.
Sa loob ng 25 taon, nagsilbi ang Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) bilang mahalagang plataporma sa pagbibigay edukasyon at impormasyon sa mga kabataang Pilipino.
Ipinagdiwang rin ang pagpasa ng RA 12199, na isinulong ng KCFI kasama ang pamahalaan, na nagpapalakas sa early childhood care at development at sa pagsasanay ng mga tagapaglingkod para sa batang edad 0–8.
Sa mensaheng binasa ni Francis Giles Puno, vice chairman ng KCFI Board of Trustees, binigyang-diin ni chairman of the board Federico R. Lopez ang patuloy na pangako ng KCFI sa pagbibigay-edukasyon mula noon hanggang ngayon.
"Nanatiling matatag ang KCFI. nagsisikap, nagbabago, at nagi-innovate. Patuloy pa rin sa misyon na gawing inklusibo at patas ang edukasyon," ani ni Puno, mula sa mensahe ni Federico.
The post Knowledge Channel 25 years nang naglilingkod sa kabataang Pinoy appeared first on Bandera.

No comments: