BREAKING NEWS

MMFF box-office ranking ibinandera ni Ogie Diaz; Mga bida kanya-kanyang gimik

MMFF box-office ranking ibinandera ni Ogie Diaz; Mga bida kanya-kanya ang gimik

INILABAS na ni showbiz insider Ogie Diaz ngayong araw, January 1, ang gross ng 51st Metro Manila Film Festival (MMFF) simula December 25 hanggang 30.

At nakalulungkot dahil sa anim na araw ay hindi man lang umabot pa sa kalahating milyon ang kinita ng walong pelikulang kasama sa festival.

Nangunguna pa rin ang "Call Me Mother" – P186,385,000.00; ikalawang pwesto ang "Shake Rattle and Roll Evil Origins" – P66,540,000.00; ikatlo ang" Bar Boys: After School" – P25,886,000,00; ika-apat ang "Unmarry" – P25,640,000.00.

Kung mapapansin ay umakyat ang "Bar Boys: After School" sa ikatlong pwesto at malaking tulong ang ginagawang block screening ng supporters ng bawat artistang kasama sa pelikula tulad nina Kean Cipriano with wife Chynna Ortaleza, na nakausap pa namin nang magkita kami sa Promenade, Greenhills.

Baka Bet Mo: Call Me Mother, SRR: Evil Origins, UnMarry nangunguna pa rin sa MMFF 2025

Sinundan nina Enzo Pineda at Rocco Nacino, na parehong ginanap sa SM BF Paranaque.

Ang masisipag na supporters ni Will Ashley ay hindi nagpahuli na ginanap sa Fishermall Quezon City, Edsa Shangri-La, SM North Edsa, at Gateway Mall at Gateway Premiere cinemas na lahat ay pinuntahan ng aktor kaya't ang saya-saya ng fans niya bukod pa sa napakaraming merchandise na pinamigay sa mga nanood, grabe ang gastos ng iba't ibang fans club ni Will.

Next si Klarisse de Guzman na talagang mega-effort ang supporters niya na ginanap sa Mall of Asia at Fisher Mall, pero hindi nakapunta ang singer-actress dahil maysakit ito.

Ang baguhang si Bryce Eusebio ay nagpa-block screening sa SM Marikina at dinagsa rin siya ng supporters niya.

Hindi rin nagpahuli si Emilio Daez na tumulong sa promo ng "Bar Boys: After School" na nagpa-block screening naman sa Fisher Mall at SM Light.

Samantala, ang pang limang pwesto ay ang "Love You So Bad" – P18,980,000.00; ika-anim ang "I'm Perfect" – P12, 511,000.00; pang-pito ang "Manila's Finest" – 10,758,000.00 at ang ikawalo at huli ay ang "Rekonek" – P4,092,000.00.

Ang total gross sa anim na araw ay umabot lang sa P350,802,000.00 bagay na malungkot ito para sa producers na hindi pa bawi ang kanilang nagastos sa prinodyus nilang pelikula.

Sapantaha namin ay mababawi at kikita ang "Bar Boys: After School" dahil hindi gaanong malaki ang nagastos nila kung ikukumpara sa ibang pelikulang nabanggit na may umabot pa sa P70 million, kaya sabi ng aming source ay mahirap habulin kung iba-base ito sa resulta sa anim na araw.

Kung may malugi man sa mga nabanggit sana ay konti lang para makapag-prodyus ulit sila sa 52nd Metro Manila Film Festival.

The post MMFF box-office ranking ibinandera ni Ogie Diaz; Mga bida kanya-kanyang gimik appeared first on Bandera.


MMFF box-office ranking ibinandera ni Ogie Diaz; Mga bida kanya-kanyang gimik MMFF box-office ranking ibinandera ni Ogie Diaz; Mga bida kanya-kanyang gimik Reviewed by pinoyako on January 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close