BREAKING NEWS

Mariel Padilla may matinding pagsisisi sa relasyon sa ina: ‘Hindi sana ako karmahin’

Mariel Padilla may matinding pagsisisi sa relasyon sa ina: 'Hindi sana ako karmahin'
PHOTO: Instagram/@marieltpadilla

SA ikatlong bahagi ng panayam ni Mariel Rodriguez kay Julius Babao para sa "Unplugged" YouTube channel, ang naging topic naman ay tungkol sa mommy niya na sumakabilang buhay na noong December 2023.

Sa naunang dalawang bahagi ng panayam ni Mariel ay puro sila tawanan ni Julius sa mga kwento niya, pero pagdating sa mommy niya ay nalungkot kami dahil sa unang pagkakataon ay inilabas ng dating TV host ang saloobin niya.

Natanong ni Julius kung ano ang nagpapalungkot kay Mariel.

"When I think of my Mom (pinakita ang larawan nina Mariel at mommy niya) 'Yun talaga Julius, 'yun ang cross that I will bear for the rest of my life," sambit niya.

Baka Bet Mo: Mariel Padilla 'di papayag kapag nagpakasal uli si Robin Padilla: Out ako!

Tuloy pa niya, "Just like everybody they have issues with their parents, with their moms siguro and because my mom died all of a sudden and so I always thought that we would have more time with her and I wasn't exactly the greatest daughter, so, that is the cross that I will bear for the rest of my life."

Sa nasabing panayam ay medyo nahihirapan si Mariel ipaliwanag ang naging dynamincs nilang mag-ina kapag magkasama sila dahil siguro hindi siya lumaki sa piling ng ina, lalo na't ang naging kasama niya hanggang sa nag-asawa siya ay ang maternal grandparents niya na hanggang ngayon ay kasama pa rin niya.

"I hope that she forgives me and 'yun 'yung dasal ko and then kinakatakukan ko na kasi naniniwala ako sa karma eh. Hindi sana ako karmahin one day, 'yung mga kids ko sana hindi kami magkaroon ng ganu'n relationship kasi hindi kami ganu'n always (magkasundo) ng mom ko," pagtatapat ng mama nina Isabella at Gabriela.

Inamin pang ang pinakamahirap dalhin ay ang regret.

"Ang bigat pala (dalhin) Julius. Dadalhin mo na lang siguro kasi hindi mo na maitama eh. Never mo na maitatama. Siguro dapat mas inintindi ko pa dapat hinayaan ko na lang," sey ni Mariel.

Ano ba dapat ang ginawa o hindi nagawa ni Mariel, "Siguro 'yung pag-iintindi. Mas dapat inintindi ko pa."

At dito inamin ni Mariel na nu'ng lumisan ang mama niya ay hindi sila okay.

"No, hindi. In fact 'yung time na (hindi sila okay), seasonal ang galit ng mom ko. Nu'ng time na namatay siya, ako 'yung…it was my season like my pictures were down in her house. She took my pictures down yeah 'yung ganu'n, season ko," malungkot na kwento ni Mariel.

Dagdag pa niya, "That's why I always tell people when you think about it in everything else in life it's always a chance to make up, it's always a chance to have another day one, but when they're gone, there's no day one, that's it.

"So, you really have to weigh what matters more, 'yung pinag-aawayan niyo ba, 'yung hindi niyo pinagkakasunduan or the relationship or the fact that she's your mother, you owe her your life."

Sundot ni Julius, "'Yung realization came late (inoohan ni Mariel) at least nasi-share natin sa viewers at least alam nila baka pwedeng mangyari sa kanila."

"Yes, 'yung akala ninyo na 'tatawagan ko na lang mamaya (bukas na lang). 'Yung sa dad ko, sa grandparents ko, alam ko na 'yung mali ko, so hindi ko na 'yun gagawin sa kanila. Pero hindi pa rin mae-erase 'yung nagawa ko sa mommy ko," saad pa ni Mariel.

Nabanggit din kung ilang beses nakunan ang wifey ni Robin.

"You know everything happens for a reason? Ganu'n ko nakikita ngayon. When I had my miscarriages, siguro isa was to make my marriage stronger. Kasi 'yung time na 'yun sabi ko, 'okay lang kahit kami na lang ni Robin. Okay na kumpleto na kami.

"Tapos after a while bliness kami ni God, so feeling ko it was meant to happen for other things.  God had a plan that's why it happened that way," aniya.

Samantala, sa kasalukuyan ay wala pa sa plano ni Mariel ang magbalik showbiz dahil prayoridad niya na alagaan at palakihin ang dalawang anak nil ani Robin.

Sa ika-apat na bahagi ng panayam ay napag-usapan ang tungkol sa bashers, lalo na kapag nasa live selling si Mariel.

The post Mariel Padilla may matinding pagsisisi sa relasyon sa ina: 'Hindi sana ako karmahin' appeared first on Bandera.


Mariel Padilla may matinding pagsisisi sa relasyon sa ina: ‘Hindi sana ako karmahin’ Mariel Padilla may matinding pagsisisi sa relasyon sa ina: ‘Hindi sana ako karmahin’ Reviewed by pinoyako on January 30, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close