Marian Rivera sa ‘power couple’ blind item: ‘Jusme, parang every year na lang!’

MARIING itinanggi ni Marian Rivera na siya at ang kanyang mister na si Dingdong Dantes ang tinutukoy sa usap-usapang "power couple" blind item.
Kamakailan lang, nag-viral ito sa social media na nagbabalita tungkol sa isang sikat na mag-asawa na umano'y may problema sa relasyon dahil sa infidelity umano ng mister, pero tinatago ito sa publiko.
Dahil diyan, maraming netizens ang agad na nanghula at ang tinukoy nila ay baka sina Marian at Dingdong ito dahil sa label na "power couple."
Ngunit nilinaw naman ito ni Marian, kung saan nagbigay siya ng pahayag sa pamamagitan ng entertainment columnist na si Rose Garcia.
Baka Bet Mo: Dingdong, Marian pinag-iingat sa biyahe ngayong 2026; masa-shock kay Alden
"Ni-message ko si Yan (Marian). Sabi ko, 'I'm sure aware ka sa blind item kung saan sa comments section kayong dalawa ni Dong ang binabanggit,'" chika ni Rose sa episode ng kanilang online show na "Marites University" noong Huwebes, January 8.
"Ang ginawa ni Yan, tumawag tapos [nangamusta]. Tapos ayan, itong picture na ito ay kanina lang habang magkausap kami," patuloy niya, habang ipinapakita ang litrato nina Marian at Dingdong na magkasamang nakangiti, malapit ang mga ulo sa isa't isa.
Dagdag pa ni Rose, kuha ang larawan habang may football practice ang anak nila na si Sixto.
"Sabi niya, 'Ate, jusme. Ano ba 'yang mga blind item na 'yan?' Parang sanay na sila kasi parang every year, lalo na raw 'pag January, palaging may ganyang chika," kwento niya nu'ng kausap ang aktres.
Bago pa man ito, naunang ibandera ng mag-asawa ang kanilang workout pictures habang magkasamang nag-eehersisyo.
Magkasama rin nilang ipinagdiriwang ang ika-11th birthday ng kanilang panganay na anak na si Zia noong December 30.
The post Marian Rivera sa 'power couple' blind item: 'Jusme, parang every year na lang!' appeared first on Bandera.

No comments: