Michelle Dee ‘taken’ na, sino kaya ang nagmamay-ari ng puso niya?

MUKHANG may bagong pag-ibig ang beauty queen-actress na si Michelle Dee!
Sa chikahan nila ng fellow beauty queen na si Kylie Verzosa para sa podcast na "Almost Honest," inamin ni Michelle na siya'y "off the market," ngunit pinanatiling misteryoso kung sino ang nagmamay-ari ng kanyang puso.
"I'm taken, too," sagot ni Michelle nang tanungin kung ano ang requirements para maka-date siya.
Paliwanag pa niya, "I'm technically single, but my heart is taken. If that makes sense."
Baka Bet Mo: Michelle Dee confident, Ahtisa Manalo 'sakalam' sa Miss Universe 2025
Sabi pa niya, sa oras na lumabas ang podcast, baka hindi na siya single.
Hindi pa ibinubunyag ni Michelle kung kasalukuyan ba siyang nakikipagrelasyon sa isang lalaki o babae, pero ang sabi niya sa podcast: "We're not officially together again yet. But definitely off the market emotionally, all of that.
Bukod diyan, tinalakay rin ng Miss Universe 2023 Philippines ang mga maling akala tungkol sa mga kababaihang nakikipagrelasyon sa kapwa-babae.
"I think that just because you're into the same gender means you are trying to be a man or masculine. I dress very androgynously, but you can be into women and look like Kendall Jenner. Just because you're into girls doesn't mean one has to be butch or one has to assume the role of a man. I think that's the biggest misconception," paliwanag niya.
Binigyang-diin din ni Michelle na ang pagkagusto sa babae ay hindi lang isang "phase."
"This is just me, my experience, where it's always been about the sustainability of the emotions. So, it's never about the gender, but always about the compatibility. I can fall out of love with a man; I can fall out of love with a woman," dagdag niya.
"I don't have a standard now. Like, okay, my next one's going to be a guy or my next one's going to be a girl. So, I can't really say it's a phase that I'll date like five women and then I'm ready for a husband," aniya.
Kung matatandaan noong 2023, nilinaw ng beauty queen na siya ay isang bisexual o pwedeng magkagusto sa lalaki o babae.
Samantala, nananatiling tahimik si Michelle tungkol sa alegasyon ng pisikal na pananakit na inihain ng kanyang ina na si Melanie Marquez laban sa Amerikanong asawa nito na si Randy "Adam" Lawyer.
The post Michelle Dee 'taken' na, sino kaya ang nagmamay-ari ng puso niya? appeared first on Bandera.

No comments: