Marian Rivera hate na hate mga artistang laging late: Nakakaawa ‘yung mga crew

AYAW na ayaw ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang mga nale-late sa trabaho, lalo na pagdating sa mga shooting at taping.
Knows daw ng lahat ng mga nakatrabaho ni Marian na isa talaga sa mga pinakaayaw niyang ugali ng isang tao ay ang hindi pagdating sa takdang oras na pinag-usapan.
"Alam ng lahat ng katrabaho ko kung ano 'yong ayaw ko talaga. Parang kaya kong mag-adjust kung hindi mo kayang magbigay, na gusto mo ikaw lagi ang bida, that's fine with me.
"Hindi mo alam 'yung lines mo, okay lang sa akin 'yun. Bahala ka. Basta ginagawa mo 'yung work mo, gagawin ko 'yung work ko.
"That's fine with me. Isa lang ang ayaw kong ginagawa, always late," ang pahayag ni Marian sa panayam ng "Janno & Bing" YouTube vlog ng mag-asawang Janno Gibbs at Bing Loyzaga.
Sey ng wifey ni Dingdong Dantes, ang pinakaisyu niya sa pagiging late ay ang pagdurusa ng production staff and crew.
Naaawa raw kasi siya sa mga ito na maagang dumarating sa set para magtrabaho at sila rin ang huling umuuwi pagkatapos ng shooting o taping.
Natawa naman si Janno sa naging pahayag ni Marian dahil kilala nga ang komedyante na palaging nale-late sa set.
Sey tuloy sa kanya ni Marian, "Buti na lang talaga hindi pa tayo nagkakatrabaho."
The post Marian Rivera hate na hate mga artistang laging late: Nakakaawa 'yung mga crew appeared first on Bandera.

No comments: