BREAKING NEWS

Luis Manzano nagsalita na rin sa nakakalokang ‘power couple’ blind item 

Luis Manzano nagsalita na rin sa nakakalokang 'power couple' blind item 
Marian Rivera, Dingdong Dantes, Jessy Mendiola at Luis Manzano

BUKOD kina Marian Rivera at Dingdong Dantes, may mga nanghula rin na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang "power couple" na malapit nang maghiwalay.

Mariing dinenay ng DongYan na sila ang tinutukoy na mag-asawa sa blind item na mala-fairtytale marriage ang imahe sa publiko pero kabaligtaran daw ito sa tunay na buhay.

Ang kuwento kasi, ilang beses nang nag-cheat si mister pero palagi lang daw pinatatawad ni misis kahit na napakasakit para sa kanya ang panloloko ng asawa.

Ilang netizens ang nagbanggit sa pangalan nina Luis at Jessy sa naturang blind item na mariin ding pinabulaanan ng TV host.

Ni-repost pa ni Luis sa kanyang social media page ang post sa X na naglalaman ng screenshot ng nasabing blind item.

"Sleep lang po ako, di po kami," ang sabi ni Luis sa kanyang caption.

Nauna rito, lukang-luka naman ang talent manager at host na si Ogie Diaz sa pinag-uusapang blind item tungkol sa naturang "power couple".

Grabe raw kasi ang pagiging invested ng mga Pinoy sa panghuhula kung sino ang kilalang power couple na "perfect" nga ang projection ng kanilang pagsasama pero kabaligtaran pala sa totoong buhay.

Sa kanyang Facebook My Story, nag-post si Mama Ogs kaugnay ng sinasabing power couple na dinugtungan pa niya ng mas nakakawindang na panibagong blind item.

Hirit ni Mama Ogs, "Madlang pipol! Grabe nang invested ng mga tao ngayon kung sino yung 'Power Couple!'"

Sundot pa niyang mensahe, "Di ko na talaga kakayanin, mga kuya, pag me blind item namang lumabas na 'isang kilalang gwapong aktor na heartthrob, di pa tule!' Kinang inang yan!"

Wala namang karagdagang detalyeng ibinigay ang talent manager at content creator tungkol sa hindi tuling male celebrity pero siguradong may kanya-kanya nang hula ang mga netizens.

The post Luis Manzano nagsalita na rin sa nakakalokang 'power couple' blind item  appeared first on Bandera.


Luis Manzano nagsalita na rin sa nakakalokang ‘power couple’ blind item  Luis Manzano nagsalita na rin sa nakakalokang ‘power couple’ blind item  Reviewed by pinoyako on January 14, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close