Alden-Nadine vs Kathryn-James: Sino’ng mas bet n’yong bagong loveteam?

MAINIT na pinag-uusapan ngayon ng mga netizens ang tambalang Alden Richards-Nadine Lustre at ang Kathryn Bernardo-James Reid loveteam.
Ibinandera na ng Viu Philippines ang kanilang bagong romance-drama series na pagbibidahan nga nina Nadine at Alden, ang "Love, Siargao".
"Alden Richards and Nadine Lustre are teaming up for their biggest upcoming series yet.
"The Siargao Magic gets real this 2026. Love, Siargao, coming soon only on Viu!" ang nakasaad sa Facebook page ng Viu Philippines kalakip ang mga litrato nina Alden at Nadine.
In fairness, marami ang na-excite sa kauna-unahang pagtatambal ng AlDine sa isang acting project kaya naman ngayon pa lang ay abangers na ang kanilang respective fans sa "Love, Siargao."
Kasunod nga nito, komento ng netizens, tila nagkaroon nga ng switching sa dalawang phenomenal loveteam sa showbiz dahil nga ang dating katambal ni Nadine na si James ay napunta ngayon kay Kathryn na former screen partner naman ni Alden.
Noong September, 2025 ay in-announce ng ABS-CBN na magsasama sa isang teleserye sina Kathryn at James na may titulong "Someone, Someday."
Narito ang ilang reaksyon ng mga netizens sa dalawang bagong loveteam.
"We didn't see this coming."
"Grabe nanggugulat ka Nadine!!!"
"OMGGGGGGGGHHHHHADDDD!!"
"Tapos si Kath and James meron diba? Nag switch. Hehe. Cute."
"Gusto ko psychological thriller plot hindi romance pero what they serve, sige na nga. Dream team-up ko 'to, my two fav artists in one series pa hindi lang 1 movie!!!!"
"Nde ko ito ini expect pero grabe subrang exited na ako."
"Beautiful location with good actors. Picture palang lakas na ng chemistry."
"OMG SERIES!!! SEATEDDDD."
"Mukhang maganda."
"This is so unexpected!!!"
"Pero mas magnda Kong Kathden Parin hahaha kaht movie ulet."
The post Alden-Nadine vs Kathryn-James: Sino'ng mas bet n'yong bagong loveteam? appeared first on Bandera.

No comments: