Kris Aquino natuloy ang operasyon matapos ma-delay dahil sa mataas na BP

NATULOY na ang minor operation ng Queen of All Media na si Kris Aquino nitong Martes, January 13, matapos itong maantala dahil sa kanyang mataas na blood pressure.
Sa kanyang Instagram page ay nagbigay siya ng update tungkol sa lagay ng kanyang kalusugan kalakip ang larawan niya kasama ang mga anak na sina Josh at Bimb.
Makikitang nakasuot si Kris ng hospital gown habang nakaupo sa kama at pinaggigitnaan ng mga anak.
"This surgery was delayed from yesterday to very soon because my [blood pressure] was sky high the whole of Sunday—the culprit, my migraine," pagbabahagi ng TV host-actress.
Baka Bet Mo: Kris Aquino matinding bone pain ang nararamdaman kapag sobrang lamig
Tila mas umaliwas na ang lagay ngayon ni Kris at hindi na gaanong kapayat ang itsura kumpara sa mga dati niyang ibinabahaging larawan.
Matatandaang sinabi niya noon na patuloy ang pagsisikap ng kanyang mga doktor na mapataas ang kanyang timbang sa kabila ng kanyang 11 autoimmune conditions.
Nagpaabot din ng pasasalamat si Kris sa kanyang medical team, lalo na sa kanyang pain management doctor, na aniya ay naging epektibo sa paghawak ng kanyang kondisyon at nakatulong upang mahanap ang "right formula."
Habang papasok na siya sa preoperative area, ibinahagi rin ni Kris ang isang emosyonal na sandali sa pagitan ng kanyang dalawang anak.
"Entering the [preoperative] area. Kuya was shaking and automatically grabbed Bimb's hand," pahayag niya.
Dagdag pa ni Kris, "I did something right in making sure Bimb grew up knowing he'll be responsible for his Kuya. And kuya feels secure with Bimb."
Samantala, sa isang fan account ay ibinahagi niyq na sumailalim na siya sa isang minor operation kaugnay ng kanyang patuloy na pakikipaglaban sa 11 autoimmune diseases.
Inamin din ni Kris na nakaramdam siya ng matinding kaba at hirap sa pagtulog sa mga panahong iyon, bagay na lalong nagpahirap sa kanyang kalagayan.
Sa kabila nito, patuloy siyang tumatanggap ng suporta mula sa kanyang pamilya, mga tagahanga, at medical team habang siya ay nagpapagaling.
The post Kris Aquino natuloy ang operasyon matapos ma-delay dahil sa mataas na BP appeared first on Bandera.

No comments: