BREAKING NEWS

Lacson rumesbak sa hamong sabunutan ni Imee: Walang peke sa mukha ko!

NIRESBAKAN ni Senate President Pro Tempore Panfilo "Ping" Lacson si Sen. Imee Marcos sa umano'y hamon nito na magsabunutan sila at sa pasaring na siya'y bakla.

"Either Senator Imee thought na peluka 'yung buhok ko or she was insinuating na bakla ako kaya siya naghamon ng sabunutan. On both counts nothing can be say farthest from the truth," bwelta ni Lacson.

Dagdag pa niya, " Una, hindi po peluka ang aking buhok. Idugtong ko na rin na walang peke sa mukha ko. Hindi rin pustiso ang ngipin ko. My teeth are all mine."

Sa pasaring sa kanyang tunay na kasarian, sinabi ni Lacson na hindi siya bakla, "At kung iniisip ni Senator Imee na bakla ako wala siyang maaaring makita na macho dito sa mundo."

Ilang araw nang nagbabardagulan sina Lacson at Marcos matapos ang pahayag ng huli na "giniling" ang pork barrel sa 2026 national budget.

Bukod dito, sinabi rin ni Marcos na pinagbabawalan ang mga senador na usisain sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ang posibleng pagkakadawit ni dating Speaker Martin Romualdez.

The post Lacson rumesbak sa hamong sabunutan ni Imee: Walang peke sa mukha ko! appeared first on Bandera.


Lacson rumesbak sa hamong sabunutan ni Imee: Walang peke sa mukha ko! Lacson rumesbak sa hamong sabunutan ni Imee: Walang peke sa mukha ko! Reviewed by pinoyako on January 14, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close