BREAKING NEWS

Jopay Paguia game na game sa BINI-Sexbomb Girls showdown-collab: Laban! 

Jopay Paguia game na game sa BINI-Sexbomb Girls showdown: Laban! 
Jopay Paguia, Sexbomb Girls at BINI

LALABAN at hindi babawi ang iconic group na Sexbomb Girls kung sakaling magkahamunan ng showdown with BINI and SB19

Handang kumasa sa challenge ang mga OG o original members ng  Sexbomb Dancers kapag nabigyan sila ng chance na makahatawan on stage ang dalawang pinakasikat na P-Pop group  ngayon sa Pilipinas. 

Sa guesting ni Sexbomb Jopay sa "Fast Talk with Boy Abunda", naitanong nga kung lalaban ba siya o babawi sa pakikipagbardagulan sa BINI. 

"Lalaban!" ang mabilis na sagot ni Jopay. Ready din daw siyang makipag-collab sa tinaguriang Nation's Girl Group.

"Sobrang proud ako sa BINI nu'ng nagkaroon po dito talaga kasi bibihira lang po talaga magkaroon ng P-Pop dito po talaga.

"So, kung sakali makakasayaw po namin sila, bakit hindi po? Nakakatuwa po 'yon," sey pa ni Jopay.

Chika pa ng aktres at dancer, lalaban din sila sakaling magkaroon ng pagkakataon na maka-showdown ang P-pop supergroup na SB19. 

The post Jopay Paguia game na game sa BINI-Sexbomb Girls showdown-collab: Laban!  appeared first on Bandera.


Jopay Paguia game na game sa BINI-Sexbomb Girls showdown-collab: Laban!  Jopay Paguia game na game sa BINI-Sexbomb Girls showdown-collab: Laban!  Reviewed by pinoyako on January 10, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close