Diego Loyzaga nag-‘I love you’ sa IG post ni Coleen, netizens nawindang

SHOOKT ang mga netizens nang mag-"I love you" si Diego Loyzaga sa social media post ng aktres na si Coleen Garcia.
Nawindang ang mga nakabasa sa naging komento ni Diego sa ipinost ni Coleen sa kanyang Instagram account kamakailan.
Minsan na ring nagkatrabaho ang dalawa sa isang pelikula ng Viva Films, ito ay ang "Isang Gabi" mula sa direksyon ng award-winning filmmaker na si Marc Alejandre.
Sa isang Instagram post ni Coleen, makikita ang kanyang litrato kasama ang asawang si Billy Crawford at kanilang dalawang anak na kuha sa isang yate.
"This made Amari fall in love with sunsets. Core memory unlocked," ang caption ni Coleen sa naturang post.
Maraming nag-comment sa IG photos nina Coleen at Billy kabilang na nga si Diego na nag-post ng, "I love you."
Siyempre, naloka ang mga netizens sa paandar na komento ng hunk actor dahil bakit ka nga naman magsasabi ng "I love you" sa isang babaeng may asawa't mga anak na.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon sa nakakaintrigang comment ni Diego.
"Sino? Yung si coleen si billy o si amari? Mmmmmmm magulat kami kung si coleen."
"Hahaha gamit ba ng baby mo phone mo?"
"Isn't that normal for these people to say i love you to all people they love, family or friends mygosh! lahat nalang issue."
"Thought I was the only one who noticed."
"He might be a family friend, a godfather, a best friend, or someone close to the children kasi he's a Tito."
"May plano yan mang agaw ng asawa c diegoo kaya cgro hndi naniniwala sa kasal."
Nakarating at nabasa ni Diego ang mga reaksyon ng mga IG followers ni Coleen at may isang netizen ang sinagot at binengga niya.
"Oh para wala ng gulo kung si coleen billy amari o silang lahat yung ini-i love youhan.
"After ko makita muka mo, nag bago isip ko, naniniwala na ako sa kasal. KASALanan may access ka sa social media sa baluktot mong pagiisip," hirit ni Diego na tila napikon sa mga bashers.
Sinagot naman siya ng nasabing netizen, "@diegoloyzaga ito naman prang d mabirrrooo napansin mo na rin ako, ako nlng iloveyouhan mo."
The post Diego Loyzaga nag-'I love you' sa IG post ni Coleen, netizens nawindang appeared first on Bandera.

No comments: