Karylle sumailalim sa ACL surgery, unti-unti nang nakaka-recover sa injury

UNTI-UNTI nang nakaka-recover ang TV host-actress at singer na si Karylle matapos siyang sumailalim sa ACL surgery dahil sa tinamong injury.
Masayang ibinalita ng Kapamilya star na bumabalik na siya sa mga karaniwan niyang ginagawa sa araw-araw.
Pagbabahagi ng "It's Showtime" host, sumailalim siya sa anterior cruciate ligament reconstruction o ACL surgery ilang buwan matapos siyang ma-injure.
Ito'y dahil sa pagsasayaw niya sa isang live episode ng kinabibilangang noontime show na napapanood sa ABS-CBN at GMA 7.
Nag-post si Karylle sa kanyang Instagram account nitong January 9, kalakip ang ilang pictures na kuha sa mga nakaraang kaganapan sa buhay niya.
Mababasa sa caption ni Karylle, "Getting back into the swing of things. I'll tell you more about it when I get better, but I did a thing – ACL surgery."
Makikita rin sa kanyang Instagram post ang mga litrato niya kung saan kasama pa niya ang asawa at Spongecola vocalist na si Yael Yuzon. Nakabenda pa ang kanyang tuhod na suportado ng knee brace.
Kung matatandaan, noong August, 2025 ay biglaang umalis ng "It's Showtime" si Karylle matapos sumayaw at mapaupo nang biglang sumakit ang kanyang tuhod.
Kuwento niya sa "Fast Talk with Boy Abunda" last October, 2025, sumailalim siya sa physical therapy para sa kanyang injury.
"It was an ACL tear. Medyo malala. Ito 'yung mga nangyayari sa mga basketball player.
"Dahil nga meron kaming scoliosis sa pamilya, palagi kaming nagpapa-therapy so 'yung therapy, kasama 'yun sa buhay namin.
"I do six machines tapos may mga exercise with a band every day para baka sakaling hindi na kailangan ng surgery," sey pa ni Karylle.
The post Karylle sumailalim sa ACL surgery, unti-unti nang nakaka-recover sa injury appeared first on Bandera.

No comments: