Jake Zyrus kamukhang-kamukha na ngayon ang yumaong ama

KILIG na kilig ang isang fan nang replayan ng singer-songwriter na si Jake Zyrus ang kanyang comment sa isa nitong Instagram post.
Nagkomento kasi ang naturang IG user sa mga bagong litratong ibinahagi ng international singer para sa pagse-celebrate ng New Year.
Makikita sa naturang post ang ilang kaganapan sa pagdiriwang niya ng Bagong Taon at in fairness, mukha namang happy at punumpuno ng positivity ang awra ni Jake.
"New year. nothing fancy. no pressure. just glad to be alive," ang inilagay niyang caption sa kanyang post.
Maraming nagpahatid ng pagbati kay Jake sa pagpasok ng 2026 pero may isang fan nga ang nakapansin na kamukhang-kamukha raw niya ang kanyang tatay base sa mga ipinost niyang pictures.
"Kamukha mo na Tatay mo Jake," ang sey ng IG user na nagngangalang Jason Barrera. Nag-reply sa kanya si Jake ng tatlong heart emoji.
Reaksyon naman ni Jason na na-shock sa pagpansin sa kanya ni Jake, "OMG nag reply ka.. sorry to remind ur father. I love you Jake. I'm avid fan of urs since 2009.
"All ur albums i know the melodies and lyrics. From star music, international album to Japan album.. and some of ur recent released as JZ," sey ni Jason.
"Oh no it's all good! love talking about my dad. thank you so much," ang reply uli sa kanya ni Jake.
Sumang-ayon naman ang halos lahat ng netizens na parang pinagbiyak na bunga ang itsura ni Jake at ng kanyang yumaong ama.
Pumanaw ang ama ni Jake na si Ricky Pempengco noong October 31, 2011 sa edad na 40.
The post Jake Zyrus kamukhang-kamukha na ngayon ang yumaong ama appeared first on Bandera.

No comments: