BREAKING NEWS

Grace Tumbaga unbothered, nagpasaring: Karma hits harder than revenge

Grace Tumbaga unbothered, nagpasaring: Karma hits harder than revenge

PALAISIPAN sa madlang pipol kung sino nga ba ang tinutukoy ng social media personality na si Grace Tumbaga sa kanyang social media posts.

Sa isang Instagram page ay nag-upload siya ng video kung saan ibinandera niya ang kanyang glowing aura.

"Me into 2026: Healthy, rich, manifesting, glowing, unbothered," mababasa sa video ni Grace.

Samantala, tila may pasaring ang hiwalay na post ng social media personality.

Baka Bet Mo: Pambansang Kolokoy binasag ng basher, karma raw pagkakaroon ng cancer 

Sey ni Grace, "No REVENGE needed. Just sit back and relax. KARMA hits harder than REVENGE."

Pahabol pa niya sa caption, "What goes around comes around."

Si Grace ay ang dating asawa ng social media personality na si Pambansang Kolokoy.

Matatandaang bandang 2022 hanggang 2023, ay naging usap-usapan ang dalawa dahil sa kanilang paghihiwalay.

Bago matapos ang taon, ginulat ng dating asawa ni Grace ang madlang pipol matapos nitong ibahagi ang pagkakaroon ng cancer.

Nitong December 2025 ay ibinahagi niya na nasa second cycle na siya ng kanyang chemotherapy.

The post Grace Tumbaga unbothered, nagpasaring: Karma hits harder than revenge appeared first on Bandera.


Grace Tumbaga unbothered, nagpasaring: Karma hits harder than revenge Grace Tumbaga unbothered, nagpasaring: Karma hits harder than revenge Reviewed by pinoyako on January 09, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close