Angara hindi pabor sa suspindihin ang classroom observation

HINDI pabor si Education Secretary Sonny Angara sa mga panawagan na suspindihin ang pagsasagawa ng "classroom observation" kasunod ng pagkamatay ng isang public school teacher sa Muntinlupa City.
Ayon kay Angara kinikilala naman niya ang pagkabahala ng grupo ng mga guro sa nangyari kay Agnes Buenaflor na napa-ulat na namatay sa kalagitnaan ng "classroom observation" sa Pedro E. Diaz High School sa Muntinlupa City.
Katuwiran ng DepEd secretary maganda ang layon ng "classroom observation" dahil ito ay isinasagawa para mapataas pa ang kalidad ng pagtuturo ng mga guro, na ikabubuti naman ng mga mag-aaral.
Aniya bumabalangkas na ang Deparment of Education (DepEd) ng bagong panuntunan sa pagsasagawa ng "classroom observation" para sa lubos na ikabubuti ng kapakanan ng mga guro.
Baka Bet Mo: Classroom backlog matutuldukan sa 2050 – Angara
"Hindi namin sinasuspinde ang classroom observation dahil mahalaga ito sa teaching quality at learner outcomes. Ang binabago namin ay ang sistema—mula high-stakes, papunta sa mas makatao at supportive na approaches. Malinaw ang bilin ng Pangulo: alagaan ang ating mga guro," sabi ni Angara.
Kasabay nito, pinasalamatan ni Angara si Buenaflor sa ipinakitang dedikasyon at malasakit sa trabaho.
"Nagpapasalamat kami kay Teacher Agnes Buenaflor at sa lahat ng ating mga guro. Malinaw ang bilin ng Pangulo: alagaan ang ating mga teachers," dagdag pa ng kalihim.
The post Angara hindi pabor sa suspindihin ang classroom observation appeared first on Bandera.

No comments: