BREAKING NEWS

2 patay sa Traslacion ng Jesus Nazareno 2026 

2 patay sa Traslacion ng Jesus Nazareno 2026 
INQUIRER photo/Kurt Dela Pena

DALAWA ang naiulat na nasawi sa Traslacion o prusisyon ng imahe ng Jesus Nazareno mula sa Quirino Grandstand patungo sa Quiapo Church.

Kinumpirma ito ng tagapagsalita ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na si Maj. Hazel Asilo sa panayam ng INQUIRER sa pamamagitan ng text message madaling-araw ng Sabado, January 10. 

Ayon sa kanya, hindi pa kumpleto ang ulat kaugnay ng dalawang insidente.

Ito rin ang ibinalita ni Nazareno 2026 spokesperson Fr. Robert Arellano sa isang press briefing kaninang umaga na dalawa ang namatay, base sa naitala ng Quiapo Church Command Post sa gitna ng prusisyon.

Baka Bet Mo: Erwin Tulfo ilang beses niligtas ng Jesus Nazareno: 'This is my 12th life'

Nang tanungin kung ano ang sanhi ng pagkamatay, sinabi ni Arellano: "We're going to report our casualties once we have all the details already. Currently, these are fresh pieces of information, but we need to really hone in on the details of these two casualties."

Dagdag pa ni Arellano, umabot na sa humigit-kumulang 1,700 insidente ang naitala ng church command post, kabilang na ang dalawang nasawi. 

Gayunman, wala pang inilalabas na detalyadong breakdown ng mga insidente.

Nilinaw naman nina Asilo at Arellano na ang dalawang nasawi ay bukod pa sa pagkamatay ng tabloid photojournalist na si Itoh Son.

27 hours na ang Traslacion at ayon sa pinakahuling ulat kaninang 7:00 a.m., ang imahe ng Jesus Nazareno ay nasa Z.P. de Guzman Street.

Sa kabila ng naunang anunsyo ng San Sebastian Church bandang 4:00 a.m. na pansamantalang mananatili ang imahe ng Jesus Nazareno sa simbahan dahil sa matagal na prusisyon, ipinagpatuloy pa rin ng mga deboto ang Traslacion.

The post 2 patay sa Traslacion ng Jesus Nazareno 2026  appeared first on Bandera.


2 patay sa Traslacion ng Jesus Nazareno 2026  2 patay sa Traslacion ng Jesus Nazareno 2026  Reviewed by pinoyako on January 09, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close