Obispo tinira ang korapsyon sa Misa ng Nazareno 2026: Mahiya naman kayo!

DIRETSAHAN at walang paligoy-ligoy ang naging mensahe ni Balanga Bishop Rufino Sescon sa Misa Mayor ng Pista ng Poong Jesus Nazareno 2026.
Sa kanyang homiliya na ginanap sa Quirino Grandstand, binatikos ng obispo ang umano'y korapsyon kaugnay ng kontrobersyal na flood control projects na nagdulot ng matinding galit at tanong mula sa publiko.
Hinimok ni Sescon ang mga opisyal na sangkot sa mga maanomalyang proyekto na kusa nang bumaba sa pwesto.
"Mahiya naman kayo! Step down voluntarily," sey ni Sescon.
Baka Bet Mo: 2 patay sa Traslacion ng Jesus Nazareno 2026
Ayon pa sa kanya, dapat tularan ng mga lider ang halimbawa ni Jesus Nazareno, na marunong magsakripisyo at marunong bumitaw sa kapangyarihan para sa kapakanan ng iba.
"Brothers and sisters, let's learn from Jesus Nazareno who stepped down on His own accord, for the sake of His love," pahayag niya.
"But in our country now, there are those who don't want to step down even though it's wrong and their faults obvious," dagdag pa niya.
Aniya pa, "They don't want to step down even if they make our country suffer, even if the poor are suffering, even if there are floods."
Bago pa man ang Misa Mayor, naging usap-usapan na rin ang isang stage play na itinanghal habang isinasagawa ang Pahalik, kung saan tinuligsa rin ang isyu ng flood control projects.
Sa naturang pagtatanghal, inawit ng mga performer ang "Di Mo Ba Naririnig", ang Filipino version ng "Do You Hear the People Sing?" mula sa musical na Les Miserables, kasabay ng panawagan para sa hustisya at pananagutan.
Magugunitang nagsimula ang tradisyunal na Pahalik sa Poong Hesus Nazareno noong Miyerkules ng gabi, January 7.
The post Obispo tinira ang korapsyon sa Misa ng Nazareno 2026: Mahiya naman kayo! appeared first on Bandera.

No comments: