Chariz, Buboy humirit sa 2 taong ‘atraso’ ng TAPE Inc.: Baka naman!

NAGING usap-usapan sa social media ang latest tea ng Kapuso comedian na si Chariz Solomon sa isang episode ng YouLol podcast na "Your Honor."
Ayon sa kanya, hindi pa nababayaran ng dating production company na TAPE Inc. ang kanyang talent fees!
Nalaman din ng marami na hindi lang si Chariz may atraso ang kumpanya, kundi pa ti rin pala sa co-host niyang si Buboy Villar at guest na si Dasuri Choi.
"'Di ba, magkasama tayo sa 'Tahanang Pinakamasaya' noon? Hindi ba, hindi pa tayo bayad," pagbubuking ni Chriz, kung saan host ang tatlong nabanggit.
Baka Bet Mo: Chariz Solomon inakusahan ng harassment ng Bubble Gang co-star
Panawagan pa niya: "Huy, 2026 na TAPE! Baka naman!"
Dahil dito, sinabi ni Chariz na isa sa kanyang New Year's resolution ang hindi na ang pagiging mabait dahil dalawang taon na silang hindi nabayaran.
Tumugon naman si Buboy at pumabor sa sinabi niya.
"Oo. Ang usapan namin dati, 'Kailan?' Kaysa, 'Kumusta ka?' Hindi yung, 'Kailan? Nabayaran ka na?' Ang pangit, 'di ba? Magtatatlong taon na. Hopefully this 2026," dagdag ni Dasuri.
Sinabi naman ni Chariz at Buboy na umaasa silang mababayaran silang lahat nang tama, lalo't naging maayos naman ang kanilang pakikitungo sa producers ng show.
As of this writing, wala pang aksyon o pahayag ang TAPE sa naturang isyu.
Ang TAPE Inc. ang dating nasa likod ng "Eat Bulaga," ang longest-running noontime show sa bansa na tampok ang iconic trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon (TVJ).
Nagkaroon ng isyu sa management at pananalapi sa pagitan ng kumpanya at mga hosts na nauwi sa legal na aksyon.
Nakuha ng TVJ ang karapatang gamitin ang pamagat na "Eat Bulaga," at ang TAPE ay naglunsad ng bagong show na "Tahanang Pinakamasaya" sa GMA, na nagtapos noong unang bahagi ng 2024.
Noong Mayo 2025, hinarap ng TAPE ang P38-million estafa complaint mula sa GMA Network dahil sa hindi naibayad na advertising revenues.
Kasabay nito, lumabas din ang mga ulat na may hindi nabayarang talent fees sa mga dating hosts, kabilang sina Chariz at Buboy.
The post Chariz, Buboy humirit sa 2 taong 'atraso' ng TAPE Inc.: Baka naman! appeared first on Bandera.

No comments: