Klarisse de Guzman, Trina Rey 5 years nang magdyowa: Gotchu always!

NAG-CELEBRATE ng 5th anniversary ang proud LGBTQIA+ couple na sina Klarisse de Guzman at Trina Rey sa pamamagitan ng bonggang recent trip abroad.
Nagtungo ang magdyowa sa Taiwan para doon magbakasyon ng ilang araw in time for their anniversary na super proud nilang ibinandera sa buong universe.
Mas naging espesyal at makabuluhan pa ang kanilang selebrasyon this year dahil ito ang unang pagkakataon na nag'-celebrate sila ng anniversary na knows ng publiko.
Sa kanyang Instagram page, nag-post si Trina kahapon, January 11, ng mga video clips nila ni Klarisse na kuha sa kanilang pagbabakasyon at pagbisita sa iba't ibang tourist spots sa Taiwan.
Baka Bet Mo: Pride Month 2025: Klarisse De Guzman hindi na takot ipakita ang tunay na identity
Aniya sa caption, "My Litol One, Happy 5th Anniversary! Who would have thought we would be this free? I will never forget how my heart loved you at 23.
"Always remember that you have a home in me, Gotchu always!
-Your Big One," mensahe pa ni Trina.
Mapapakinggan naman sa background ang soundtrack na "Palagi (TJxKZ Version)" na kinanta ng mag-asawang TJ Monterde at KZ Tandingan.
Nagbahagi rin si Klarisse ng video sa kanyang Instagram page kung saan mapapanood ang pag-iikot nila sa Taiwan, kabilang na ang paglafang nila sa mga resto roon.
May ibinahagi rin siyang video ng compilation ng mga ganap nila ni Trina mula sa limang taon nilang relasyon bilang partners.
Keeping her message simple yet meaningful, Klarisse wrote, "5 years of you and me," aniya sa caption.
This is the first nga na ibinandera ni Klarisse ang anniversary nila ni Trina after niyang mag-come out as bisexual sa loob ng Bahay ni Kuya nang maging housemate siya sa "PBB Celebrity Collab Edition."
"Sa tingin ko ito na yung time para sabihin sa inyong lahat and to tell the world that I'm not straight. I am bi (bisexual)," ani Klarisse.
"Yung ikinukuwento ko sa inyo na may 4 years akong partner. Yes I have a partner for four years. Her name is Trina. And hindi ko in-expect na masasabi ko ngayon ito. Wala lang, ang lakas lang ng loob ko para sabihin," sabi pa niya.
"May common friend lang kami online tapos 'yun nagka-message-an na," pag-alala ni Klarisse sa start ng love story nila ni Trina.
Sabi pa niya sa loob ng PBB house, "Kaya ngayon nag-iisip kami parang ito na talaga 'yung timing nung nag-PBB ako, total four years.
"Parang feeling ko rin po sobrang unfair na rin sa kanya lalo na di ba ilang beses niyan sa online or sa mga television, nade-deny ko siya," aniya pa.
The post Klarisse de Guzman, Trina Rey 5 years nang magdyowa: Gotchu always! appeared first on Bandera.

No comments: