BREAKING NEWS

Carla Abellana sa 2nd wedding: Mabi-beat ko na yung record ko! 

Carla Abellana sa 2nd wedding: Mabi-beat ko na yung record ko! 
Carla Abellana at Reginald Santos

PINAGTATAWANAN na lang ngayon ng Kapuso actress na si Carla Abellana ang nangyari sa kasal nila ng dating asawang si Tom Rodriguez.

Tumagal lamang ng halos dalawang buwan ang pagsasama nila ng ex-husband na naging kontrobersyal pa nang malaman ito ng publiko.

Sa interview ni Carla sa "Fast Talk with Boy Abunda", sinabi niyang five weeks na lang at mabi-beat na niya ang naging record niya sa una niyang marriage.

Masayang ikinuwento ng aktres ang naging love story nila ng kanyang second husband na si Dr. Reginald Santos na pinakasalan niya last December, 2025.

"Life as a married woman, as a wife. Sabi ko nga nadyo-joke ako so far we're married for two weeks so kaunti na lang ma-beat ko yung record ko dati na seven weeks," natawang chika ng Kapuso star.

Dagdag pa niya, "Kung dati nagtagal seven weeks lang, ngayon, five more weeks mabi-beat ko na yung sarili kong record."

Pagbibiro pa ni Carla, kapag nakaabot na sila ng mahigit seven weeks ni Reginald as a married couple, kailangan daw mag-celebrate sila.

"Yes, dapat meron po by the seventh week plus one day. Yun lang automatic na-beat ko na," nakatawa pang sey ng aktres.

Tungkol naman sa bagong yugto ng kanyang buhay bilang wifey, "Looking forward at least ngayon ma-experience ko siya. 

"Whether it's the honeymoon stage, whether it's the challenge na dumaan – whatever it is. That's part of getting married, experiencing married life for the first time," pahayag pa ni Carla.

Kuwento pa ng aktres, first boyfriend niya si Reginald na nangyari noong high school pa lang sila sa isang eskwelahan sa Greenhills, San Juan City. 

Naghiwalay daw sila nang mag-focus na si Reginald sa kanyang studies, "Nag-break kami because he actually had to really focus on his studies.

"Kasi he was serious about med school so talagang in all fairness to him, napakabrave niya na kinailangan niyang pumili between our relationship and med school," pag-alala pa ni Carla. 

Hindi raw niya inasahan na magkakabalikan sila ng husband niya ngayon kaya feeling ni Carla talagang destiny na magkita sila uli hanggang sa maramdaman nila na mahal pa rin nila ang isa't isa.

The post Carla Abellana sa 2nd wedding: Mabi-beat ko na yung record ko!  appeared first on Bandera.


Carla Abellana sa 2nd wedding: Mabi-beat ko na yung record ko!  Carla Abellana sa 2nd wedding: Mabi-beat ko na yung record ko!  Reviewed by pinoyako on January 14, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close