Nadine Lustre takot na takot noon kay Vice Ganda: Lagi akong nakaiwas

AMINADO ang award-winning actress na si Nadine Lustre na nakaramdam siya ng takot kay Unkabogable Star Vice Ganda noong una silang magsama para sa pelikulang "Petrang Kabayo".
Sa kanyang interview sa "The B Side", sinabi niyang noon pa mang bata siya at nagsisimula pa lang sa pag-aartista ay hanga na siya sa galingat husay ni Vice.
Kaya naman hindi maiwasan ni Nadine na kabahan noon habang nasa set ng pelikula dahil feeling niya ay intimidating ang personalidad nito.
Chika pa niya, nakuwento niya kay Vice na takot na takot siya kay Vice.
Baka Bet Mo: Nadine Lustre kinarir ang pageant training bilang 'beauty queen'
Dahil sa kakaibang istilo ng pagpapatawa ni Vice, madalas umiiwas si Nadine sa eksena para hindi siya mabunot o ma-okray.
"Natatakot ako mabunot that time. Every time na may eksena kami, lagi akong nakaiwas. Yung eksena kasi naming dun, lagi niya akong binabara dun sa scene, so yun okay lang kasi nasa script siya, pero ayoko talagang ma-okray," natatawang sabi ni Nadine
Sa kabila ng takot at kaba, labis ang pasasalamat ng aktres sa pagkakataong makatrabaho si Vice, na noon ay kilalang-kilala na sa showbiz.
"But it was such a good experience, kasi for me, as someone who's starting in the industry, to be able to work with Ate Vice na agad eh at that time 'Vice Ganda' na siya, so it was such a privilege to be able to work with Ate Vice," sey pa ni Nadine.
Dahil sa magandang karanasan at samahan nila noon, agad napa-yes at hindi na nagdalawang-isip ang aktres nang mabalitaang magkakaroon sila ng bagong pelikula together kahit hindi pa niya alam ano ang kwento ng kanilang magiging proyekto.
The post Nadine Lustre takot na takot noon kay Vice Ganda: Lagi akong nakaiwas appeared first on Bandera.

No comments: