BREAKING NEWS

Mikey Quintos winner bilang ARMY, na-gets autograph ni Jungkook!

Mikey Quintos winner bilang ARMY, na-gets autograph ni Jungkook!
PHOTO: Screengrab from TikTok/@mqquintos

PANGARAP ng maraming ARMY ang naranasan ng Kapuso actress na si Mikee Quintos nang makakuha siya mismo ng autograph ni Jungkook, ang isa sa miyembro ng K-Pop Kings na BTS!

Sa TikTok, masayang ibinandera ng young actress ang video kasama ang kanyang mga kaibigan, at sabik na sabik sa kanyang ARMY moment.

Makikita sa video si Mikee, hawak-hawak ang whiteboard na may nakasulat na pangalan niya at may pusong may kasama pang pangalan at pirma ni Jungkook, habang naglalakad sa kalsada na halatang nasa ulap pa rin ang saya.

"I got it! I got it!" sigaw niya sa video.

Baka Bet Mo: Mikee Quintos sumakses sa thesis defense, ga-graduate na after 10 years

Kwento ni Mikee, "Hinawakan niya 'yung pen na 'yan na nagsulat ng ink na 'yan. Oh my god!" 

"A fangirl's dream came true this year — JK's handwritten sign. Army, scream with meeee!!" caption ng kanyang TikTok.

<blockquote class="tiktok-embed" cite="https://www.tiktok.com/@mqquintos/video/7589148006574853396" data-video-id="7589148006574853396" style="max-width: 605px;min-width: 325px;" > <section> <a target="_blank" title="@mqquintos" href="https://www.tiktok.com/@mqquintos?refer=embed">@mqquintos</a> <p>a fangirl's dream came true this year —  JK's handwritten sign  army, scream with meeee!! 🤣</p> <a target="_blank" title="♬ original sound  - Mikee" href="https://www.tiktok.com/music/original-sound-Mikee-7589148028175485712?refer=embed">♬ original sound  - Mikee</a> </section> </blockquote> <script async src="https://www.tiktok.com/embed.js"></script>

Simula pa noong 2021, lantarang ibinida ni Mikee sa buong universe na isa siyang hardcore ARM. 

Nauna na rin niyang ibinandera ang kanyang BTS merchandise collection at sinabi na malaking tulong sa kanya ang South Korean boy group para malampasan ang mga hamon noong pandemya.

Sa isa rin niyang trip sa South Korea, nagpa-tattoo si Mikee sa parehong artist na nag-tattoo kay Jungkook. 

Ang ipinagawa niya ay isang colored hummingbird na makikita sa kanyang ankle at ang gumawa niyan ay ang tattoo artist na si Polyc SJ.

Si Mikee ay kasalukuyang tampok sa "Encantadia Chronicles: Sang'gre" tuwing weekdays, 8:00 p.m. sa GMA.

The post Mikey Quintos winner bilang ARMY, na-gets autograph ni Jungkook! appeared first on Bandera.


Mikey Quintos winner bilang ARMY, na-gets autograph ni Jungkook! Mikey Quintos winner bilang ARMY, na-gets autograph ni Jungkook! Reviewed by pinoyako on December 31, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close