BREAKING NEWS

Vivamax actress Gina Lima hindi namatay sa bugbog, walang foul play

Vivamax actress Gina Lima hindi namatay sa bugbog, walang foul play

HINDI namatay sa pambubugbog ang Vivamax actress-model na si Gina Lima kahit na nga may nakitang pasa sa hita nito.

Base sa isinagawang autopsy examination sa bangkay ng sexy content creator walang nakitang foul play sa kanyang pagkamatay.

Inilabas ng Quezon City Police District Forensic Unit ang autopsy result kahapon, November 18 kung saan nabanggit ngang hindi ang mga pasang nakita sa hita ni Gina ang kanyang ikinamatay. 

"Autopsy findings: Presence of non-fatal external injuries; Presence of heart congestion, congested and edematous lungs.

Baka Bet Mo: Ex-lover ni Gina Lima may mensahe bago mamatay: Baby susunod ako sa 'yo

"Collected the following specimens: Stomach content, blood, urine, vaginal swabs, and organ cut sections.

"The exact cause of death cannot be determined, pending for toxicology and

histopathology results," ayon sa autopsy report.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Spokesperson PMaj. Jennifer Ganaban "non-fatal external injuries" ang nakita sa bangkay ni Gina kaya masasabing hindi ito namatay dahil sa bugbog.

Kasunod ng pagpanaw ni Gina ay ang nabalita namang pagkamatay ng ex-partner niyang hunk model na si Ivan Cezar Ronquillo. 

Ngayong araw, November 19, nadiskubre ang wala nang buhay na katawan ng hunk model. 

Batay sa naglabasang report, si Ivan umano ang huling nakasama ni Gina sa isang condo unit sa Quezon City na siya ring nagsugod sa ospital sa actress-model noong Linggo, November 16, nang matuklasan niyang wala itong malay.

Ayon kay La Loma Police Station Commander Lt. Col. Jose Luis Aguirre, mabilis na dinala sa ospital si Ronquillo upang i-revive ngunit dineklara itong dead on arrival.

Kaninang 12:29 ng madaling-araw, nakapag-post pa si Ronquillo ng video kung saan napapanood ang masasayang alaala nila ni Gina.

Mababasa sa post ng model, "Mahal na mahal kita Gina hinding hindi ko kaya na wala ka sa tabi ko at hinding hindi ko kaya mabuhay ng wala ka sobrang sakit na sa tabi pa kita nawala hayaan mo susunod ako sayo at makakasama na kita alam na natin satin dalawa na walang makakapigil sa pagmamahal natin."

Pagsapit ng 12:42 a.m. ay ipinost ni Ronquillo ang dalawang video, isa ay kuha habang nasa loob sila ni Gina ng condo unit, habang ang sumunod ay makikitang  emosyonal na ang binata habang nakahiga si Gina sa isang hospital stretcher.

"Baby ko, baby ko," ang umiiyak na sabi ni Ronquillo sa second video.

Ang caption niya sa post, "Eto na pala yung huling pahinga natin baby dapat sinabi mo mahal na mahal kita sinermonan mo pa ko kay papa kasi di ko binati at panay ka sabi sa papa mo na namimiss mo na siya ngayon. baby susunod ako sayo dyan kung asan ka man."

The post Vivamax actress Gina Lima hindi namatay sa bugbog, walang foul play appeared first on Bandera.


Vivamax actress Gina Lima hindi namatay sa bugbog, walang foul play Vivamax actress Gina Lima hindi namatay sa bugbog, walang foul play Reviewed by pinoyako on November 19, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close