REVIEW: ‘Finding Santos’ masayang kilig trip na may tribute sa Pinoy veterans

KUNG gusto mo ng pelikula na light pero may depth, fun pero may aral, at kilig na may historical tribute, "Finding Santos" is a must-watch!
Present ang BANDERA sa red carpet event at advance screening na ginanap noong November 12 sa Robinsons Galleria at grabe mga besh, ito 'yung tipong uuwi kang may ngiti pero may kaunting kurot sa puso.
Ito rin 'yung pelikulang paglabas mo ay hindi mo makakalimutan agad dahil mayroon itong bigat, saysay, at tribute sa ating Pinoy veterans na lumaban sa Korean War, na isang parte ng kasaysayan na minsan nakakalimutan na, kaya malaking bagay na binigyan ito ng spotlight.
Para talaga itong sneak peek sa kung ano ang pinagdaanan nila, pero presented in a way na madaling ma-appreciate ng modern audience.
Baka Bet Mo: REVIEW: 'The Running Man' bida ang pagmamahal ng ama, puno ng bakbakan
Sa totoo lang, hindi namin expected na magiging ganito ka-meaningful ang pelikula.
Nakaka-good vibes na, nakakakilig pa, at may mga eksenang biglang sasaksak sa puso mo ng kaunting lungkot at pagmamahal sa bayan.
Congrats sa buong cast at production, dahil ramdam mong pinag-isipan ang bawat eksena.
Hindi pilit, hindi OA kundi tama lang ang timpla.
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fbanderaphl%2Fposts%2Fpfbid0mvsisaoWZNbcFHFEwiZ83sHwrmPheuHGBxM4YGwUkhvtKpiaAAo6gQzpFga7n41il&show_text=true&width=500" width="500" height="754" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe> Hatid ng pelikula ang kakaibang kombinasyon ng South Korea at Philippines, isang kwentong tumatawid sa kultura, musika, at damdamin.
Bida rito ang Korean star na si Jang Theo at katambal si Maeg Medina ng P-Pop girl group na YGIG.
Tampok din diyan sina Hans Galendez na kilalang TikTok content creator at Park Sungin na isa ring Korean actor.
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/video.php?height=314&href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Freel%2F1977121449811454%2F&show_text=false&width=560&t=0" width="560" height="314" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share" allowFullScreen="true"></iframe> Iikot ang kwento ng pelikula sa dating sikat na K-pop star si Kim Woojin (Jang Theo) pero ngayon, para siyang naglaho sa limelight dahil sa stalker fans at toxic comments.
Isang araw, pinahahanap ng lola niyang may sakit si Santos, isang Pilipinong beterano na minsang nagligtas sa kanya noong Korean War.
Dito na magsisimula ang adventure, kasama ang solid niyang manager na si Junha (Park Sungin).
Pagdating nila sa Manila, nakasalubong nila si Gabby (Maeg Medina), isang super fan na biglang naging tour guide, translator, emotional support, at love interest? Hmmm. Kayo na bahala humusga!
Siyempre, hindi rin magpapahuli ang bestie niyang si Lara (Hans Galendez) na super lively at palaging may dalang comedic chaos sa bawat eksena.
Anyway, ayaw naman namin i-spoil ang iba pang eksena, kaya ang tanong diyan ay kung mahahanap nga ba nila si Santos?
Mapapanood na ang "Finding Santos" sa mga lokal na sinehan simula ngayong araw, November 19!
The post REVIEW: 'Finding Santos' masayang kilig trip na may tribute sa Pinoy veterans appeared first on Bandera.

No comments: