BREAKING NEWS

REVIEW: ‘Wicked: For Good’ bonggang finale, puno ng emosyon pero entertaining

REVIEW: 'Wicked: For Good' bonggang finale, puno ng emosyon pero entertaining
PHOTO: Courtesy of Universal Pictures

KUNG fan ka ng "Wicked," ihanda mo na ang popcorn at tissue dahil magkahalong super kilig at nakakaiyak ang bagong pelikula! 

Ang "Wicked: For Good" ang pinakahihintay na finale ng kwento ng dalawang magkaibigang naging magkaribal.

Nakadalo ang BANDERA sa special advance screening sa Glorietta 4 sa Makati, at aba, sulit na sulit ang experience! 

Mula sa musika, kwento, hanggang sa performances…lahat on point!

Baka Bet Mo: Andrea, Darren nag-meet-and-greet kay Ariana Grande at Cynthia Erivo sa SG

Pinagbibidahan ng Hollywood stars na sina Ariana Grande at Cynthia Erivo, wala talagang mintis ang acting ng dalawa. 

May konting action scenes pa na nagpapa-excite, pero yung ending? Super heartfelt at nakaka-touch! 

Halos buong sinehan ay napaiyak sa dami ng emosyon.

<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/0QMma6Y3m84?si=LwR-zZiVXb9XGOXX" title="YouTube video player" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture; web-share" referrerpolicy="strict-origin-when-cross-origin" allowfullscreen></iframe>

Hindi rin pinalampas ng cinema experience! Sobrang linaw ng screen at malakas at malinaw ang tunog na talagang na-elevate ang movie experience namin na nasa advance screening.

Ayon sa Universal Pictures, ito na ang final chapter ng pelikula. 

Kahit naging magkaaway sila sa unang movie, sa dulo ay friendship goals pa rin ang peg! 

Matatandaan na noong 2024, tumabo ang unang "Wicked" sa takilya ng halos P40 billion sa buong mundo at nanalo pa ng dalawang Oscars!

Excited na kayong mapanood? Ang "Wicked: For Good" ay mapapanood na sa mga lokal na sinehan. 

Siguradong hindi kayo magsisisi dahil puno ito ng kilig, emosyon, at bonggang musika na hinding-hindi ninyo malilimutan!

The post REVIEW: 'Wicked: For Good' bonggang finale, puno ng emosyon pero entertaining appeared first on Bandera.


REVIEW: ‘Wicked: For Good’ bonggang finale, puno ng emosyon pero entertaining REVIEW: ‘Wicked: For Good’ bonggang finale, puno ng emosyon pero entertaining Reviewed by pinoyako on November 19, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close