BREAKING NEWS

Valentine Rosales sinisisi sa pagkamatay ng BF ni Gina Lima, pumalag: Biktima rin ako

Valentine Rosales sinisisi sa pagkamatay ng BF ni Gina Lima, pumalag: Biktima rin ako

Trigger warning: Mention of suicide

MULI na namang nasangkot ang pangalan ng social media personality na si Valentine Rosales sa kontrobersiya matapos ang pagpanaw ng partner ni Gina Lima na si Ivan Cezar Ronquillo.

Siya kasi ang sinisisi ng netizens sa ginawang pagsu-suicide ng lalaki matapos niya itong pagbintangan na nambugbog umano kay Gina Lima kaya ito namatay.

"Unfortunately Facebook has taken down my posts due to bullying and harassment daw but this won't stop me from exposing you and fighting for the justice that my dear friend Gina Lima deserves! She didn't  deserve to perish that way,hindi lang 'yan ang unang beses kang nagbuhat ng kamay sa babae Ivan Cezar Ronquillo ni abugX2berna mo din yung girl mo before sa may Gside," saad ni Valentine.

Pagpapatuloy niya, "Imagine naka-make up tapos may dugo sa ulo? Hindi makatao yang ginagawa mo nagch-choose ako ng better words kasi baka ma-remove na naman pag nag-real talk tayo pero you need to pay for what you've done and face the consequences of your action. Tapos pag lalake yung humamon sayo takot ka. Tatanongin mo pa ko kung umalis na? Katangkad-tangkad mong tao tapos yung papatolan mo babaeng petite. Jusko talaga diyos na bahala sayo."

Baka Bet Mo: Ex-lover ni Gina Lima may mensahe bago mamatay: Baby susunod ako sa 'yo

Ngunit ngayon ay burado na ang post ni Valentine matapos maiulat ang pagpanaw ni Ivan.

Bago pumanaw si Ivan ay nag-iwan ito ng post sa social media.

Makikita rito ang screenshot ng message na ipinadala sa kanya ni Valentine noong Lunes, November 17.

"Hoyyy!!! Hayup ka!! Ano ginawa mo kay Gina!!! Siraulo ka!!! Hindi ka naawa dun sa Babae! K*p*l ka! Magbabayad ka sa kulungan at impyerno dahil sa ginawa mo men!

"T*ngina ka kung gusto mo ng sapakan, tayo ang magsuntukan. Wag ka mananakit ng babae! Ang laki mong tao yun ang gagawin mong punching bag. G*g* ka!!! T*ng*na mo! Nagdeactivate ka pa!" sabi ni Valentine.

Kasunod nito ay ang kanyang paglalabas ng pahayag matapos ang paninisi sa kanya ng netizens.

Imbes na mapagkumbaba, iginiit ni Valentine na biktima rin siya ng misinformation at ibinunton ang sisi sa isang "Kevin Tan".

"Kakagising ko lang and yes, I heard the tragic news, I feel sorry and my deepest condolences go out to both the family of the bereaved to my Bebe Ivan and baby Gina.

"Unang una sa lahat bat ako ang sinisisi ninyo sa pag Su*c*de niya? eh tulad niyo! biktima din ako ng mis-Information dahil kay Kevin Tan ko lang din nalaman na kako binugbog daw ni Ivan si Gina, Which as a friend ang initial reaction ko is galit at poot kaya nag posts ako regarding the information I received," lahad ni Valentine.

Aniya, may mga kasalanan rin ang mga nag-share at naki-chismis kaya nag-viral ang kanyang pahayag.

"Di naman yun kakalat at magiging ingay kung wala din naman naniwala at hindi din niyo shinare ang post kong yun," pagpapatuloy niya.

Giit pa niya, biktima rin siya ng mga maling impormasyon na nakarating sa kanya.

"Tulad niyo ay isa rin akong biktima! Sa tingin niyo kanino ko nalaman yung mga details tulad ng cause of death? oras? at hospital? edi sa mutual friends din namin. Which is hindi ko na idadamay dahil hindi ako tulad niyo na naghahanap ng sisisihin."

Inamin niya rin na nag-reach out sa kanya ang ABS-CBN at GMA News para sa mga impormasyon ngunit hindi siya nagbigay dahil wala pang official reports and autopsy findings.

Sabi pa ni Valentine, "Hindi ako nag bigay ng statement ko kasi nga hindi naman sakin nangaling ang news na yan at pinaka huli sa lahat Bakit hindi na kita mahanap dito sa FB Kevin Tan?

"Just A Reminder for everyone: Please be kind, you don't know how much your words and actions can affect someone, emotionally, mentally and physically. Stop negativity."

Samantala, nilinaw naman ng pulisya na ealang foul play at hindi namatay sa bugbog ang Vivamax actress na si Gina Lima.

The post Valentine Rosales sinisisi sa pagkamatay ng BF ni Gina Lima, pumalag: Biktima rin ako appeared first on Bandera.


Valentine Rosales sinisisi sa pagkamatay ng BF ni Gina Lima, pumalag: Biktima rin ako Valentine Rosales sinisisi sa pagkamatay ng BF ni Gina Lima, pumalag: Biktima rin ako Reviewed by pinoyako on November 19, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close