BREAKING NEWS

Tuesday Vargas nag-react sa pagkamatay ni Ivan Ronauillo: Be kind

Tuesday Vargas nag-react sa pagkamatay ni Ivan Ronauillo: Be kind

NAKARAMDAM ng pangamba ang TV host-comedienne na si Tuesday Vargas matapos mabalitan ang pagkamatay ng ex-partner ni Gina Lima na si Ivan Cesar Ronquillo.

Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi ng komedyana na sa kabila ng pag-iingat at pagmamahal sa mga anak ng mga magulang ay may panganib pa rin sa paligid na ginagalawan nito.

Saad ni Tuesday, "Bilang isang magulang na may anak na ka edad lamang ni Gina at Ivan, labis akong nababahala.

"Paanong gagawin pa ba natin? Kahit mahalin at arugain natin ang ating mga anak, ang lipunan na malupit pag labas nila ng ating tahanan ang siyang literal na papatay sa kanila."

Baka Bet Mo: Tuesday Vargas ipagtatanggol si Michael V, pasaring kay Rendon: Dudurugin kita!

Kasunod nito ay ang paalala ni Tuesday sa madlang pipol na iwasan ang pagpapakalat ng fake news.

"Utang na loob po, huwag magpa kalat ng hindi totoong mga bagay lalo na kung lubha itong mapang akusa sa mga nabanggit. 

"Ang mga kabataan ngayon ay hindi mahina o simpleng sensitibo lamang. Sila ay nakakaramdam ng maraming hamon, mga hamon na wala sa dating henerasyon," sabi pa ni Tuesday.

Magkaiba na raw ang panahon na ginagalawan ngayon ng mga kabataan kumpara noon at huwag basta basta magkomento.

Binatikos din ni Tuesday ang tinatawag na court of public opinion, kung saan napaparatangan na ang biktima kahit hindi pa tukoy ang tunay na dahilan ng kanilang pagkamatay.

"If you can be anything in this world, be kind.

"My sincere condolences to the families of Gina and Ivan. May your souls find eternal rest," sabi pa ni Tuesday.

Matatandaang mainit na usapin ngayon ang naging sanhi ng pagkamatay ni Ivan matapos itong mapagbintangang binugbog ang karelasyong Vivamax actress na umano'y naging dahilan ng pagkamatay nito.

Marami ang agad na naniwala rito at sinisi si Ivan kahit wala pang opisyal na resulta mula sa pulisya. Natagpuan na rin itong patay sa loob ng condo dala na rin sa mga maling akusasyon ng netizens.

Kalaunan ay sinabi ng pulisya na walang foul play sa pagkamatay ni Gina kahit nakitaan ito ng pasa sa hita.

Huli na ang lahat dahil labis nang naapektuhan si Ivan sa mga maling paratang sa kanya.

The post Tuesday Vargas nag-react sa pagkamatay ni Ivan Ronauillo: Be kind appeared first on Bandera.


Tuesday Vargas nag-react sa pagkamatay ni Ivan Ronauillo: Be kind Tuesday Vargas nag-react sa pagkamatay ni Ivan Ronauillo: Be kind Reviewed by pinoyako on November 20, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close