BREAKING NEWS

LTFRB nagbabala, student discounts epektibo pa rin kahit holiday

Romualdez, iba pang House solons hindi dumalo sa DPWH fund mess Senate hearing

PINAALALAHANAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga driver at operator ng public utility vehicles (PUVs) na mahigpit na sundin ang batas ng pagbibigay 20% fare discount sa mga estudyante.

Ayon sa ahensya, ito ay epektibo pa ring kahit pa weekend, holiday, o may suspensyon ng klase.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Acting Secretary Giovanni Z. Lopez, nakatanggap ang kanilang opisina ng mga reklamo na may ilang pampublikong transportasyon umano na hindi nagbibigay ng discount tuwing long weekend at panahon ng mga class suspension.

Baka Bet Mo: LTFRB: Mag-ingat sa 'modus' na nagpapanggap na TNVS

Sabi naman ni LTFRB Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II, malinaw ang mandato ng Republic Act 11314, o ang Act Institutionalizing the Grant of Student Fare Discount Privileges on Public Transportation.

"The fare discount… shall be available during the entire period while the student is enrolled, including weekends and holidays," batay sa Section 4 ng batas.

"The law is very clear about this. There must be a discount to students even during holidays for as long as they are enrolled," sabi pa ng LTFRB chairperson kasunod ang pagpapahayag na bahagi ng direktiba ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na tiyaking protektado ang kapakanan ng mga estudyante.

"So we are reminding the operators and drivers again to strictly follow the law. Kung wala man kayong anak o kamag-anak na estudyante, lahat tayo dumaan sa buhay-estudyante," dagdag pa niya.

Nagbabala rin ang LTFRB chairperson na hindi siya magdadalawang-isip na ipaaresto ang mga lumalabag sa naturang batas.

"Kaya umayos kayo dahil kung hindi, ako mismo ang aayos ng mga kaso laban sa inyo para hindi lang kayo magmulta kung hindi mawalan kayo ng prangkisa," sey pa ni Mendoza.

Sa ilalim ng batas, maaaring masuspinde ng hanggang tatlong buwan ang lisensya ng PUV driver at pagmultahin ng ₱1,000 bawat paglabag.

Samantala, ang operator naman ay maaaring pagmultahin ng hanggang P15,000 at ma-revoke ang kanilang Certificate of Public Convenience.

Hinimok din ni Mendoza ang mga estudyante na magsampa ng reklamo sa LTFRB sa pamamagitan ng hotline 0956-761-0739 o sa kanilang mga social media pages.

The post LTFRB nagbabala, student discounts epektibo pa rin kahit holiday appeared first on Bandera.


LTFRB nagbabala, student discounts epektibo pa rin kahit holiday LTFRB nagbabala, student discounts epektibo pa rin kahit holiday Reviewed by pinoyako on November 20, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close