BREAKING NEWS

Eat Bulaga gumagawa na ng hakbang laban kay Anjo Yllana

Eat Bulaga gumagawa na ng hakbang laban kay Anjo Yllana

MUKHANG hindi babalewalain ng pamunuan ng "Eat Bulaga" ang mga sunud-sunod na pang-iintrigang ibinabato ng actor-comedian na si Anjo Yllana laban sa kanilang programa at mga hosts nito.

Sa naging panayam ng TV5 showbiz reporter na di MJ Marfori sa isa sa mga Dabarkads na si Ryan Agoncillo ay nausisa siya tungkol rito.

Lahad niya, may ginagawa na raw hakbang ang management ng Eat Bulaga hinggil sa isyu.

"Well, as far as I know, the management is taking the necessary steps. Further than that, I have no more comment. Ang mundo natin ngayon, e, may karampatang action," saad ni Ryan.

Baka Bet Mo: Rochelle nasaktan sa pagkawala ng SexBomb sa 'Eat Bulaga'

Sa kabila naman ng mga akusasyong ibinabato sa ilang mga hosts ay nananatiling solid naman ang "Eat Bulaga" dabarkads.

"'Pag Dabarkads, one for all, all for one. So we remain a solid unit," sey pa ni Ryan.

Matatanfaang ilang beses naglabas ng mga rebelasyon si Anjo na nag-umpisa sa kanyang mga patutsada kay Senate President Tito Sotto na umano'y may kabit noon pang 2013.

Bukod pa rito, may paratang rin siya sa isa pang "Eat Bulaga" host na si Jose Manalo na isa raw sa mga "sindikato" at nang-ahas sa dati niyang karelasyon na si Mergene Maranan.

"Huwag n'yong pansinin at nagpapapansin 'yan. Pati ba naman showbiz at paninira papatulan natin. Itaas natin ang level ng Senate press," sey naman ni Tito Sen nang matanong siya tungkol kay Anjo.

The post Eat Bulaga gumagawa na ng hakbang laban kay Anjo Yllana appeared first on Bandera.


Eat Bulaga gumagawa na ng hakbang laban kay Anjo Yllana Eat Bulaga gumagawa na ng hakbang laban kay Anjo Yllana Reviewed by pinoyako on November 20, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close