BREAKING NEWS

Sef Cadayona, Nelan Vivero nagkabalikan: Kaya pa pala naming ipaglaban

Sef Cadayona, Nelan Vivero nagkabalikan: Kaya pa pala naming ipaglaban
Sef Cadayona at Nolan Vivero

NAGKABALIKAN na ang engaged couple na sina Kapuso actor-dancer Sef Cadayona at non-showbiz fiancèe niyang si Nelan Vivero.

Binalikan ni Sef ang naging breakup nila ni Nelan ilang buwan na ngayon ang nakararaan dahil sa ilang problemang hindi na nila nakontrol sa kanilang relasyon.

Last June, 2025, kasabay ng pagdiriwang ng Father's Day, napansin ng mga netizens ang series of social media posts ni Nelan patungkol kay Sef. 

Ayon kay Nelan, hindi raw karapat-dapat na maging guest noon ang aktor sa "All-out Sundays" para sa selebrasyon ng Father's Day.

Ibinandera niya sa isang post ang ilang screenshot ng mga naging eksena ni Sef sa nasabing programa at may caption na, "Really? Making money off being a dad? Seriously? Still not done pretending to be someone you're not? Happy father's day? Celebrating father's day?"

Sa nakaraang guesting ni Sef sa "Fast Talk with Boy Abunda" nagpaliwanag siya kung bakit hindi niya sinagot ang mga paratang sa kanya ng partner.

"First off, it was a lot to take in. Ang taas ng emosyon na 'yun na that time, we were just recently broken up, kakahiwalay lang namin nu'n so emotions were running high. 

"There were so many problems na hindi namin nata-tackle, tapos nagulat ako na nu'ng nakita ko 'yun," esplika ni Sef kay Tito Boy.

Hindi rin daw niya alam kung ano ang isasagot niya sa issue kaya hindi na lang siya nagsalita. Umabot daw nang halos isang buwan mula ng maghiwalay sila bago muling nakapag-usap.

Dito raw nila  napagkasunduan ang schedule ng pagdalaw ni Sef sa kanilang anak.

"And then doon namin na-realize na marami kaming hindi nasabi sa isa't isa, hindi namin na-tackle 'yung mga problemang ganito sa isa't isa kasi hindi ko alam kung dahil para lang ba maging maayos kami?" pahayag ni Sef.

Dugtong pa niya, "Nu'ng nagkahiwalay kami, du'n namin mas naintindihan na kung nakapag-usap kami, hindi kami aabot sa ganu'n. Tapos na-realize namin na 'Kaya pa pala natin ipaglaban, pero 'wag natin gagawin 'to, alang-alang para kumpleto tayo as a pamilya.'"

Pero dinenay ni Sef na may third party involved sa kanilang breakup at  miscommunication lang daw talaga kaya sila umabot sa hiwalayan. 

Hirit ng King of Talk sa Kapuso comedian, "Pero ito, diretsang tanong, nagkabalikan na ba kayo?"

"Yes, nagkabalikan na po kami. Parang sabi ko nga, maraming challenges na nangyayari sa buhay ko, but gusto ko na unti-unti siyang maayos. 

"Sa partner, sa magulang, sa trabaho, gusto ko maayos lahat para makapag-forward lahat," pahayag ni Sef Cadayona.

The post Sef Cadayona, Nelan Vivero nagkabalikan: Kaya pa pala naming ipaglaban appeared first on Bandera.


Sef Cadayona, Nelan Vivero nagkabalikan: Kaya pa pala naming ipaglaban Sef Cadayona, Nelan Vivero nagkabalikan: Kaya pa pala naming ipaglaban Reviewed by pinoyako on November 19, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close