Ion Perez kay Vice: Mahal ko siya, gusto ko siyang makasama nang matagal!

MALUHA-LUHA ang actor-model na si Ion Perez sa isang bahagi ng media launch para sa bago endorsement nila together ng kanyang partner na si Vice Ganda.
Hindi napigilan ni Ion ang maging emosyonal habang nagsasalita si Vice patungkol sa pagtanggap sa kanila ng napakaraming Pilipino bilang magkarelasyon.
Super proud din ang Phenomenal Box-office Star sa latest endorsement nila Ion para sa Belle Dolls ng Beautéderm na pag-aari ni Ms. Rei Anicoche Tan.
Ayon kay Vice, naiintindihan niya ang nararamdaman ng kanyang asawa habang nakasalang sa Q&A portion ng naturang event.
Sey ni Vice, "Mahiyain kasi siya talaga. Kaya nao-overwhelm siya. Kaya ako naman, natutuwa ako dahil nae-experience niya ito.
"Kapag nararamdaman niya yung love ng ibang tao sa kanya at support, it really overwhelms him," chika pa ng TV host-comedian.
Natanong sina Ion at Vice kung gaano kahalaga sa kanila bilang mga celebrity ang pag-aalaga sa sarili at ang magkaroon ng partner na nag-aalaga sa iyo?
Tugon ni Vice, "Kasi nga, unang-una, bahagi yon ng aming trabaho. Kailangan talagang alagain namin ang sarili namin dahil maraming bahagi ng trabaho namin ang physical, yung kalusugan namin.
"As entertainers, kailangan kapag nakita kami ng tao, kaaya-aya kami. Kasi, ano kami, e, celebrities, idols. Di ba? So, hindi kami kakapitan ng tao kung hindi maayos at matino ang mga hitsura namin, di ba?
"Personal nating obligasyon sa sarili natin na alagaan ang sarili natin, di ba? Pero bukod sa personal, professionally obligasyon din natin.
"At malaking bagay na nandidito siya. Kasi, may katuwang ako. At may mga bagay akong natututunan dahil sa kanya.
"Kasi when it comes to health, healthcare, parang mas marami siyang alam tungkol sa akin at isine-share niya sa akin," pahayag pa ni Vice.
See naman ni Ion, "Sinabi niya nga kanina na hindi na siya pabata. So, kailangan ko rin siyang tulungan doon sa alam kong ikakabuti niya, ikakatagal naming magkasama.
"Kasi, bilang partner ko siya, siyempre mahal ko siya. Gusto ko siyang makasama nang matagal.
"So, kailangan kong i-less yung mga nakasanayan niyang maling pagkain, yung maling gawain. Kaya iyon ang nase-share ko sa kanya na, 'Ganito dapat gawin natin," sabi pa ng hunk model.
Hirit pa ni Vice, "Your heart becomes happier and healthier when your heart feels that someone is taking care of you."
Samantala, sa tanong kung ano naman ang kanilang Christmas wish, sagot ni Ion, "Siguro, maging payapa itong bansang ito. Maging payapa, umayos. Kasi, hindi usapang pangkasalukuyan ito, e.
"Usapan ng magiging future ng mga bata, mga apo natin, mga anak natin. Kaya iyon ang wish ko na maging maayos itong bansang ito hindi para sa atin kundi para sa future na mga bata," aniya.
Para naman kay Vice Ganda, "Ako rin, I share the same wish. Kung ano ang wish niya, ganoon din sa akin. Kasi, sigurado ako, may noche buena kami sa Pasko. Sigurado ako, may maibibigay kaming regalo sa isa't isa sa Pasko.
"Pero ngayon, ang babaw na nu'n, e! Di ba? Nandito rin kami sa posisyong ito ng buhay namin na yung mga iniisip namin at minimithi namin, hindi na lang sa pansarili.
"Kung ano na yung mas malaking picture. Ano yung mga bagay na bigger than us, bigger than my name, bigger than our popularity, bigger than our wants in life.
"So, feeling ko, lahat tayo we share the same sentiment na isang malaking regalo sa ating lahat kung magkakaroon ng katinuan, katiwasayan, kapayapaan itong bansang ito bago pa man din mag-Pasko," lahad pa niya.
Sang-ayon naman sa mag-asawa ang CEO ng Beautedérm na si Rhea Tan, "Kasi, gaya niyan, magbi-birthday na ako, iyon din ang wish ko. Kasi, gaya nila [Vice at Ion], siyempre nagbabayad po tayo ng tax, at negosyante.
"Sabi ko nga, parang hindi ako CEO. Ako mismo, nagpi-picture ng paninda ko, nag-iisip. Yung pagod na pagod ka, tapos ganito ang nangyayari sa Pilipinas. Nakakalungkot.
"Pero sabi ko nga, blessing din na naging president ako ng Rotary. Kasi, kahit dati meron akong foundation, nagdo-donate lang ako ng trak-trak na pagkain, bigas, pera.
"Pero iba pala pag ikaw mismo, nasuong sa baha. Nagpunta ako sa mga lugar na andami palang kawawa.
"Ang dami talagang kawawang Pilipino, so sana nga, ngayong birthday ko at ngayong Pasko ay magkaroon na ng solusyon ang problema din ng bansa natin. Kasi, we all want a merry Christmas!" sabi ni Ms. Rei.
The post Ion Perez kay Vice: Mahal ko siya, gusto ko siyang makasama nang matagal! appeared first on Bandera.

No comments: