Miss Universe 2025: Mga dapat abangan sa Coronation Night

MALAPIT na ang kaabang-abang na Coronation Night ng ika-74th Miss Universe competition!
Gaganapin ito sa Impact Challenger Hall sa Nonthaburi, Thailand sa November 21.
Para sa ating mga Pinoy, pwedeng abangan ang international pageant sa Kapamilya Channel, A2Z, Metro Channel, o sa iWant simula 9 a.m.
Ang mga dating Miss Universe na sina Dayanara Torres mula Puerto Rico at R'Bonney Gabriel mula sa USA ang commentary hosts sa final competition.
Baka Bet Mo: Ahtisa Manalo handang-handa nang ilaban ang Pinas sa Miss Universe 2025
Samantala, si Andrea Meza, ang 2020 Miss Universe ng Mexico, ay sasama bilang bahagi ng selection committee.
Hindi rin papahuli ang American actor at stand-up comedian na si Steve Byrne bilang main host, habang magpapasiklab sa entablado sina Harfouch at Thai musician Jeff Satur.
Mahigit 110 delegates mula sa iba't ibang bansa ang naglalaban-laban para sa korona, na kasalukuyang hawak ni Victoria Kjær Theilvig, ang kauna-unahang Danish Miss Universe.
Pero, tandaan, hindi ito magiging madali: sa unang round, bubawasan agad sa 30 semifinalists!
Pagkatapos ng swimsuit competition ng Top 30, lalabas ang Top 10 para sa evening gown round.
At sa huli, lima na lang ang makakasama para sa Q&A portion, na siyang magtutukoy kung sino ang susunod na Miss Universe.
Syempre, hindi mawawala ang ating pambato na si Ahtisa Manalo, na umaasa na mapupunta sa ating bansa ang ikalimang Miss Universe crown!
The post Miss Universe 2025: Mga dapat abangan sa Coronation Night appeared first on Bandera.

No comments: