BREAKING NEWS

Melai Cantiveros: Kung ako presidente kapag may kasalanan, kulong agad!

Melai Cantiveros: Kung ako presidente kapag may kasalanan, kulong agad!
Melai Cantiveros

LAUGH nang laugh ang members ng entertainment media sa presscon ng Kapamilya TV host-comedienne na si Melai Cantiveros na ginanap kahapon, November 19, sa ABS-CBN.

Ito'y para ibalita sa madlang pipol na babandera na ang fourth season ng kanyang Bisaya talk show na "Kuan On One" sa Kapamilya Channel at iWant. 

In fairness talaga kay Melai, tatawa ka lang nang tatawa kapag siya ang nasa presscon dahil bawat talaga namang pak na pak ang punchline niya sa bawat  tanong na ibinabato sa kanya.

Isa na nga riyan ang naging sagot niya sa hypothetical question na kung siya ang pangulo ng Pilipinas, ano ang gagawin niya sa mga korap at magnanakaw na opisyal sa gobyerno?

"Kung ako ang presidente ng Pilipinas, kunwari may nagsabi na ganyan, korap, imbestigahan agad ngayong araw, wala ng mga RA-RA (Republic Act) na ganyan. Imbestigahan ngayon din, kapag nalaman na kuan, kapag napatunayan ng Department of Justice (na may kasalanan), kulong!

"O, next! Ikaw meron ka ring problema, okay, DOJ may problema, oh, aprubado, kulong! Kasi bakit pa natin patagalin. Pwede naman nating bilisan!" hirit pa ni Melai.

"Para wala nang gumawa ng kabulukan at kabulastugan, matakot na talaga tayo sa batas. Kasi wala nang natatakot ngayon sa batas," dagdag pa niya.

Patuloy pa ni Melai, "At kung ako ang presidente, pirmahan ko agad, yung bawal ang mga magkakamag-anak (sa gobyerno), yung political dynasty. Bawal na agad iyan para bigyan yung iba ng chance kung magaling ba sila sa pamumuno sa Pilipinas.

"Tapos pirmahan agad (kautusan), kasi walang pumipirma, e. Pagkapirma tapos!" katwiran pa ng TV host.

Samantala, todo ang pasasalamat ni Melai sa ABS-CBN management at sa lahat ng sumusuporta at sumusubaybay sa "Kuan On One" dahil umabot na nga sila sa season 4.

"Lahat ng ito ay sa 'kuanizens' na nanonood talaga. Lalo na 'yung mga hindi Bisaya pero nanonood pa rin, umaasa lang sa caption, sa subtitle. Thank you so much talaga. 

"Kayo ang dahilan kung bakit nandito na tayo sa season 4. Keep on watching. Lalo na sa mga nanay. 'Yung mga nanay talaga ang nagtatanong 'h mayroon pa bang season?' Yes po nanay, confirmed po, mayroon po," sabi ni Melai.

"'Yung excited na parang excited tayong lahat kapag Christmas season na. Sobra akong excited dahil alam ko talaga na maraming matutuwa at maraming mai-inspire na naman sa ating new set of Bisaya celebrity na-iinterview-hin natin," aniya pa.

"Abangan nila ang mga kuwento ng buhay ng mga celebrity ng mga Bisaya lalo na sina Matteo Guidicelli, sila AZ Martinez at sila Beauty Gonzalez. Kung saan ba talaga 'yung root nila sa pagka-Bisaya nila, 'yun ang mga aabangan. Kuwentong Bisaya," chika pa ng kpmedyante.

The post Melai Cantiveros: Kung ako presidente kapag may kasalanan, kulong agad! appeared first on Bandera.


Melai Cantiveros: Kung ako presidente kapag may kasalanan, kulong agad! Melai Cantiveros: Kung ako presidente kapag may kasalanan, kulong agad! Reviewed by pinoyako on November 19, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close