Alice Guo guilty sa qualified human trafficking, kulong habambuhay

NAPATUNAYAN ang pagkakasala ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping sa kasong qualified human trafficking.
Habambuhay na pagkabilanggo ang iginawad na parusa kay Guo ng Pasig City Regional Trial Court Branch 167.
Katulad na hatol at parusa din ang iginawad ng korte sa tatlo pang kapwa akusado ni Guo.
Pinagbabayad sila ng korte ng P2 milyong danyos.
Sinampahan ng Presidential Anti-Organzied Crime Comission (PAOCC) ng kasong paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022 kaugnay sa pagsalakay sa isang illegal Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Bamban noong nakaraang taon.
Higit 800 trabahador sa illegal POGO hub ang nailigtas.
Ang operasyon ng POGO ay pinangangasiwaan ng Zun Yuan Technology.
The post Alice Guo guilty sa qualified human trafficking, kulong habambuhay appeared first on Bandera.

No comments: