BREAKING NEWS

Leni Robredo ayaw nang tumakbong pangulo: Sila na lang…ang gugulo nila

Leni Robredo ayaw nang tumakbong pangulo: Sila na lang...ang gugulo nila
Leni Robredo

MUKHANG hindi na interesado si dating Vice President at Naga City Mayor Leni Robredo na tumakbong pangulo sa 2028 elections.

Ito'y sa gitna nga ng mga balitang marami ang kumukumbinsi sa kanya na kumandidato at lumaban uling presidente pagkatapos ng termino ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sa Facebook post ng dating tabloid entertainment editor na si Kuya Dindo Balares na malapit na kaibigan ni Robredo, naibahagi niya ang maikling chikanan nila ng dating bise presidente kamakailan.

Nabanggit daw niya kay Robredo ang balitang bibisitahin daw siya ni dating Bacolod City Mayor at Congressman Monico Puentevella para hikayatin na muling tumakbo sa 2028 presidential elections.

"Mukha pong pabalik ang ihip ng hangin sa activities natin noong Presidential Election 2022," ang sabi raw ni Kuya Dindo kay Robredo.

"Parang hindi niya masyadong narinig, kaya ipinaulit niya bago siya sumagot. Pinag-iisip ako ng sinabi niya hanggang ngayon.

"Inulit ko, at idinagdag ang news recently na pupuntahan siya ni Ex-Bacolod Mayor and Congressman Monico Puentevella, upang makiusap sa kanya at maninikluhod kung kinakailangan, upang tumakbo siya bilang Presidente sa 2028. 

"'Naku,' sagot ni Ma'am Leni, 'dito na lang ako (sa Naga), ang dami-daming problemang dapat asikasuhin dito. Mas magagawa nating ayusin dito. Sila na lang doon (sa national politics), ang gugulo nila.'

"Iniisip ko pa rin, and it makes sense. Laging tahimik, pero lagi ring may sense tuwing may sinasabi si Leni.

"Dinudumog ng investors at tourists ang Naga simulang umupo si Leni bilang local government unit (LGU) chief executive.

"Kung hindi kayang simulan ang good governance sa gitna o sa 'Imperial Manila', puwedeng bumalik sa Naga City o sa gilid.

"Wala ring tigil ang dating ng iba't ibang LGU groups upang magkaroon ng exposure at immersion sa Naga City LGU.

"Kung hindi kayang magsindi ng transformational leadership at pagbabago ang Malacañang, Senado, at House of Representatives, puwede itong gawin sa mga bayan at siyudad," aniya pa.

Kumandidatong presidente si Robredo noong May, 2022 elections pero tinalo siya ni Pangulong Bongbong Marcos.

The post Leni Robredo ayaw nang tumakbong pangulo: Sila na lang…ang gugulo nila appeared first on Bandera.


Leni Robredo ayaw nang tumakbong pangulo: Sila na lang…ang gugulo nila Leni Robredo ayaw nang tumakbong pangulo: Sila na lang…ang gugulo nila Reviewed by pinoyako on November 19, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close