‘Ang Medea’ kakaibang pasabog ng Teatro Meron, umaarangkada na sa Mind Museum

SAAN ka nakakita ng museum na puno ng scientific experiments tapos biglang magiging entablado ng classic tragedy?
Ganyan ang pasabog ng Teatro Meron para sa kanilang matinding produksyon na pinamagatang "Ang Medea," ang Pinoy adaptation ni National Artist Rolando Tinio mula sa obra ni Euripides.
Pinamumunuan ang produksyon ni Ron Capinding, founder ng Teatro Meron, na muling binalikan ang pyesa matapos ang matagumpay nitong takbo sa Tanghalang Ateneo.
Sa synopsis, ang kwento ay hindi lang tungkol kay Medea, kundi tungkol sa lahat ng taong pinagkaitan ng respeto at pagkilala.
Baka Bet Mo: 'A Christmas Carol The Musical' ibinandera na ang star-studded cast
Sa pangunguna ng powerhouse cast na sina Miren Alvarez-Fabregas bilang ang mabagsik at sugatang Medea, siguradong hindi ka hihinga habang pinapanood ang kanyang paghihiganti.
"There's so much to learn from a classic like Medea…A true classic can do all of that—and even more," pagmamalaki ni Capinding.
Makakasagupa ni Miren ang equally intense na si Brian Sy, at si Yan Yuzon na alternate bilang Yason na parehong kilala sa bagsik at husay sa pag-arte mula teatro hanggang pelikula.
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/video.php?height=476&href=https%3A%2F%2Fweb.facebook.com%2Freel%2F1296387545574154%2F&show_text=false&width=267&t=0" width="267" height="476" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share" allowFullScreen="true"></iframe> Kasama rin sa cast sina Teroy Guzman, Joseph Dela Cruz, Katski Flores, Joel Macaventa, at sina Gold Soon at Pickles Leonidas bilang Koro.
Kumpleto ang creative team mula set design ni Tata Tuviera, lights ni Ian Bautista, soundscape ni Zak Capinding, at production crew headed by Gabrielle Barredo.
Huwag palampasin! Ongoing ang show ngayong Nobyembre na mapapanood sa The Mind Museum sa BGC.
Narito ang schedule ng shows: November 20, 21, 27, 28 — 8 p.m.; November 22 — 3 p.m. & 8 p.m.; November 23 — 3 p.m. & 7 p.m.
Mabibili ang tickets sa tinyurl.com/angmedea, at para naman sa updates ay bisitahin ang Facebook at Instagra ng Teatro Meron.
At kung nagtataka ka kung anong klaseng teatro ang ipinaglalaban ng Teatro Meron, heto ang sabi ni Capinding: "I want to stage not only great classics, but also modern and contemporary plays…In Filipino, nakaaaliw, nakatatalino, at nakapagpapabuti."
Pagkatapos ng "Ang Medea," sunod-sunod ang magiging pasabog ng Teatro Meron para sa taong 2026.
Ilan lamang sa mga naka-lineup nila ay ang "Samuel Beckett's Waiting for Godot" (Feb 2026), posibleng rerun ng "Soprano at Calbo," kasama rin sa aabangan ang "Ang Apologia ni Socrates" (April 2026), partnership with Aktor: League of Filipino Actors para sa BLADO training program, at ang launching ng Season 2 pagsapit ng August 2026.
The post 'Ang Medea' kakaibang pasabog ng Teatro Meron, umaarangkada na sa Mind Museum appeared first on Bandera.

No comments: