Ellen Adarna, ex-dyowa ni Derek Ramsay nagkita: Fancy seeing you here!

NAGKITA at nagkaharap ang estranged wife ni Derek Ramsay na si Ellen Adarna at ang ex-dyowa niyang si Joanne Villablanca.
Sa gitna ng mga kontrobersya na bumabalot sa breakup ng mag-asawang Ellen at Derek, aksidenteng nagkrus ang landas ng dating sexy star at ang former girlfriend ng hunk actor na si Joanne.
Naganap ang hindi inaasahang pagtatagpo nina Ellen at Joanne sa art exhibit ng Filipino artist na si Jigger Cruz sa Metropolitan Museum sa Maynila.
Nag-post si Ellen sa kanyang Instagram Story kahapon, November 19, ng litrato nila ni Joanne na all out ang mga ngiti na para bang dalawang magkaibigan na matagal hindi nagkita.
Sey ni Ellen sa kanyang caption: "Hi friend @villablancs (laughing in tears emoji)". Na para bang pang-asar sa kanyang ex na si Derek.
Ni-repost naman ni Joanne ang picture nila ni Ellen sa kanyang IG page at nilagyan ng caption na, "Well, fancy seeing you here! (laughing emoji)."
Matatandaang maging magdyowa sina Joanne at Derek bago mag-COVID-19 pandemic at tumagal ang kanilang relasyon ng six years. Pagsapit ng June 6, 2019, naghiwalay din sila.
Sumunod na naging girlfriend ni Derek ang Kapusp actress na si Andrea Torres na nakasama niya sa dating Kapuso drama series na "The Better Woman." Naghiwalay naman sila noong October, 2020.
January, 2021naman nang maging magkaibigan sina Derek at Ellen hanggang umamin sila sa kanilang relasyon noong February 26, 2021.
Nagpakasala agad ang celebrity couple pagsapit ng November 11, 2021 pero after four years nang pagsasama ay nauwi rin ito sa hiwalayan dahil umano sa pagtataksil ng aktor.
Sunud-sunod ang mga pasabog ni Ellen sa social media hinggil sa cheating issue ni Derek kasabay ng pag-amin na hindi na sila nagsasama ni Derek sa iisang bahay.
Ang huli nga ay ang rebelasyon ni Ellen sa naging paliwanag ni Derek kung bakit umabot sila sa isyu ng cheating. Sey ng aktres, never daw nag-sorry at humingi ng tawad sa kanya ang asawa.
Kung sinu-sino raw ang itinuro nitong dahilan kung bakit niya nagawang mag-cheat sa relasyon nila, kabilang na ang ex-girlfriend daw nito na nagpakulam daw sa aktor.
"He blames everything, everyone, but himself. He was able to convince his friends and people that it's my postpartum.
"He's convinced that an ex-girlfriend made him kulam. All of a sudden there was this bowl of salt with garlic in it," ani Ellen.
Pagpapatuloy niya, "Me and my friends, and helpers before were like 'oh, like ano 'to? Bakit ganiyan? Bakit may salt? Bakit may bowl of salt with garlic?' and then sinabi nung isang katulong 'ay pinalagay diyan kasi baka may nang-kulam' so parang pang anti-kulam.
"Blame it on the kulam," ang natatawang sey ni Ellen sa video.
The post Ellen Adarna, ex-dyowa ni Derek Ramsay nagkita: Fancy seeing you here! appeared first on Bandera.

No comments: