Sanya Lopez ‘di apektado sa bashers: Wala akong ginagawang masama

BUMUWELTA ang Kapuso actress na si Sanya Lopez laban sa kanyang mga bashers na patuloy ang pambabatikos sa kanya sa social media.
Sa kanyang guesting sa "Fast Talk with Boy Abunda", inihayag niya na iba't-iba ang dulot ng social media sa isang tao. Pwede itong makasira o makatulong depende sa kung paano mo ito gagamitin.
"Kung pag-uusapan natin 'yung good, marami naman din, kumbaga makikita mo. Ang social media kasi is a platform na puwedeng makatulong sa 'yo or makasira sa 'yo," saad ni Sanya.
Natanong naman siya kung paano niya hina-handle ang mga natatanggap na pamba-bash online.
Baka Bet Mo: Sanya Lopez umaming nagsinungaling sa mga interview: Minsan kailangan
Ani Sanya, noon pa man ay matagal na siyang nakakatanggap ng mga negatibong komento mula sa madlang pipol.
"Simula naman kasi na nagsimula po talaga ako dito sa industry na ito, parang 'yun na 'yung pa-welcome sakin eh, 'yung mga bashers. Lagi na, simula umpisa.
"Parang sa akin po, nasanay na ako doon, and hindi ako masyadong nagpapaapekto. Bukod sa sanay na nga po ako, alam ko na wala naman din akong masamang ginawa," lahad ni Sanya.
Lagi na lamang niyang ipinapaalala sa sarili na maliit na bagay lang ang pangba-bash sa kanya kaysa sa kinakaharap ng bansa.
"Sa dami ng nangyayari sa atin ngayon, sa dami ng problema natin ngayon, especially here now in the Philippines, parang itong mga nangyayari sa akin, mababaw lang ito kumpara sa pinaka nagiging problema natin talaga," dagdag pa ni Sanya.
Sabi pa ni Sanya, nakakatulong sa kanya ang paminsan-minsang hindi paggamit ng social media.
"Sometimes, 'di ako nag-social media, Tito Boy," she said. "Eh, nasa sa 'yo rin kung paano mo gagamitin eh. Meron mga apps now na meron ako, nili-limit 'yung time ko na mag-social media," sabi pa niya.
The post Sanya Lopez 'di apektado sa bashers: Wala akong ginagawang masama appeared first on Bandera.

No comments: