BREAKING NEWS

Mark Herras, Jojo Mendrez naispatan sa Batangas, may pasorpresa sa Pasko?

Mark Herras, Jojo Mendrez naispatan sa Batangas, may pasorpresa sa Pasko?
Mark Herras at Jojo Mendez

TOTOO kaya ang nakarating sa aming chika na magkasama raw sa isang resort sa Batangas ang Revival King na si Jojo Mendrez at Kapuso star Mark Herras?

Ang plot twist, after magkaroon ng hindi pagkakaunawaan noon, nagkaayos na raw ang dalawa at muli ngang magkakaroon ng bonggang collaboration.

In fact, may nagsi-circulate na raw na Director's Cut ng music video ni Jojo Mendrez sa social media at usap-usapan na ito ngayon ng mga netizens. 

May nakapagchika sa amin na nakita raw si Mark kamakailan na nasa isang sosyal na resort sa Batangas kung saan kinukunan ang music video ni Jojo.  

And yes, kasama nga raw ang Kapuso actor sa music video ni Jojo kaya ang tanong ng mga Marites, trulili nga kayang nagkabalikan ang "MarJo" after silang maispatan na naman together?

Samantala, may nakapagsabi naman sa amin na kasama nga raw si Mark sa music video ng latest Christmas song ni Jojo, ang "Ngayong Pasko'y Ikaw Pa Rin".

May nag-leak na nga raw na video ng song, bagamat hindi pa ito inilalabas ng kampo ni Jojo kaya abang-abang na lang ang lahat kung ano nga na ang totoo sa mga chikang ito.

Ano nga kaya ang nilalaman ng video ng "Ngayong Pasko'y Ikaw Pa Rin"? Pero base sa mga nakachika namin na nakarinig na ng kanta, sigurado raw maraming makaka-relate sa mensahe nito.

The post Mark Herras, Jojo Mendrez naispatan sa Batangas, may pasorpresa sa Pasko? appeared first on Bandera.


Mark Herras, Jojo Mendrez naispatan sa Batangas, may pasorpresa sa Pasko? Mark Herras, Jojo Mendrez naispatan sa Batangas, may pasorpresa sa Pasko? Reviewed by pinoyako on November 20, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close