BREAKING NEWS

Miss Grand International 2021 Nguyen Thuc Thuy Tien 2 years makukulong

Miss Grand International 2021 Nguyen Thuc Thuy Tien 2 years makukulong

HINATULAN ng dalawang taong pagkakulong ng korte sa Vietnam si Miss Grand International 2021 Nguyen Thuc Thuy Tien.

Ito'y dahil sa pagpo-promote at hindi tamang pagbebenta ng dietary fiber supplements na Kera Supergreens Gummies.

Bukod kay Tien, kasama ring nahatulan ang mga social media influencers na sina Pham Quang Linh at Hang Du Muc.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng High People's Court (HCMC) sa Ho Chi Minh City, Vietnam at sa ulat ng VN Express International, ang nagawa ni Tien ay dahil sa pansariling interes.

Baka Bet Mo: Miss Grand International 2021 Tien Thuc Thuy Nguyen arestado dahil sa gummies

Alam daw nito na hindi tugma ang naging promo niya ng Kera Supergreens Gummies sa tunay na quality nito na ibinebenta sa merkado.

"The defendants were fully aware but, driven by self-interest, ignored the fact that the product's quality did not match its advertisements and still promoted it," ayon sa pahayag ng HCMC. 

Knows din daw ng beauty queen na 0.935% lang ang fiber content ng produkto at hindi rin malinaw ang mga nakasaad na ingredients sa packaging nito.

Sa isinagawang test ng HCMC, hindi naglalaman ng 10 iba't ibang uri ng gulay ang naturang dietary fiber supplements na siyang sinasabi sa inilabas na advertisement sa publiko.

Nabatid na nasa 56,000 katao ang  bumili ng gummies at nagbayad ng VND 17.5 billion o katumbas ng mahigit P39 million. 

Sa pagdinig ng korte, inamin ni Tien na binibigyan siya ng 25% mula sa pagiging endorser ng produkto, "This is a major lesson for myself and the other defendants."

Unang naaresto ang Vietnamese beauty queen noong May, 2025 dahil sa kasong fraud.

The post Miss Grand International 2021 Nguyen Thuc Thuy Tien 2 years makukulong appeared first on Bandera.


Miss Grand International 2021 Nguyen Thuc Thuy Tien 2 years makukulong Miss Grand International 2021 Nguyen Thuc Thuy Tien 2 years makukulong Reviewed by pinoyako on November 20, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close