BREAKING NEWS

Rowena Guanzon tutulong sa pamilya ni Ivan Ronquillo, kakasuhan si Valentine Rosales?

Rowena Guanzon tutulong sa pamilya ni Ivan Ronquillo, kakasuhan si Valentine Rosales?

TINALAKAN ng dating Commission on Election (Comelec) Commissioner na si Atty. Rowena Guanzon ang social media personality na si Valentine Rosales kaugnay sa pagkamatay ng dyowa ni Vivamax actress Gina Lima na si Ivan Cesar Ronquillo.

Sa kanyang Facebook post, tinawag niyang clout chaser at lumalabas lang kapag may namamatay ang social media personality.

"Kaka clout chase niyang valentine rosales na yan ay may nagpakamatay na tao," saad ni Atty. Guanzon nitong Miyerkules, November 19.

Sa katunayan, hinihikayat niya ang pamilya ni Ronquillo na magsampa ng kaso laban kay Rosales at tutulubgan niya ito.

Baka Bet Mo: Rowena Guanzon tinalakan si Josh Mojica, tax pinapasilip sa BIR

"Bat lagi nalang lumalabas yan kapag may sikat na namamatay, sa pamilya ng lalaki idemanda niyo yan para magtanda tutulong po ako," dagdag pa ni Guanzon.

Bukod pa rito, ibinahagi rin niya ang isa sa Facebook post ni Valentine kung saan nagpapaliwanag ito ng kanyang panig kung bakit siya nag-post laban kay Ivan nang mabalitaang namatay ang kaibigang si Gina Lima.

"Bakla tigil mo kasi yang laro ng galing galingan kasi ikaw yung may platform dahil sa drama mo sa dacera case tapos ito nakisawsaw ka naaman sa isang krimen. hintayin mo nalang love letter mo," banat pa ni Guanzon.

Para sa mga hindi aware, ang Dacera case na sinabi ng abogado ay ang namatay na flight attendant na si Christine Dacera sa isang hotel sa Makati City, nang salubungin nila ang Bagong Taon noong Disyembre 31, 2020, kung saan unang nakilala si Rosales, isa sa mga naging person of interest sa pagkamatay ng dalaga.

Sumagot naman ang kapatid ni Ronquillo sa sinabi ni Guanzon.

"Hello po, Atty. Rowena Guanzon, maraming salamat po for speaking up for Ivan. As in sobrang flooded na po inbox ko. People are sending receipts, videos, screenshots, full statements lahat gustong tumulong, lahat naghahanap ng justice for Ivan.

"Right now, we're still grieving. trying to process everything habang ang sakit-sakit pa. Pero Atty., one thing is sure, Makikipagtulungan po kami sa inyo," sabi ng ate ni Ivan.

Aniya, ang pinakamasakit ay ang huling bilin ni Ivan ay pananagutin niya lauat ng nanira at bumugbog sa kanya.

"Hindi kayo ginagalaw ng kapatid ko. Wala siyang ginawang masama sa inyo."

"Pero binasag nyo sya e. Binagsak nyo ang morale niya. Pinerahan, binully, siniraan – online at in person.

"Kaya yung mga may kasalanan, mananagot. Walang makakatakas sa katotohanan. Walang makakalusot. Thank you po, Atty., for using your voice and your platform.

"We just need a little time to compose ourselves pero nandito po kami, ready makipagtulungan. Para kay Ivan. Para sa totoo. Para sa hustisya na hindi niya nakuha," lahad pa ng ate ni Ivan.

Samantala, wala pa namang opisyal na pahayag si Valentine hinggil sa isyu.

The post Rowena Guanzon tutulong sa pamilya ni Ivan Ronquillo, kakasuhan si Valentine Rosales? appeared first on Bandera.


Rowena Guanzon tutulong sa pamilya ni Ivan Ronquillo, kakasuhan si Valentine Rosales? Rowena Guanzon tutulong sa pamilya ni Ivan Ronquillo, kakasuhan si Valentine Rosales? Reviewed by pinoyako on November 21, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close