Jimuel Pacquiao certified daddy na, dyowa ipinanganak ang isang baby girl

GANAP nang mga magulang sina Jimuel Pacquiao at ang kanyang partner na si Carolina matapos itong manganak sa kanilang panganay na isang baby girl.
Ang masayang balita ay ibinahagi mg kanyang ina na si Jinkee Pacquiao sa kanyang Instagram page nitong Huwebes, November 20.
"Lord, thank you!" caption ni Jinkee sa larawan nila nina Jimuel at Carolina sa loob ng ospital sa Los Angeles, California.
Bukod kay Jinkee, naroon din ang pamilya ni Carolina para tulungan ang mag-partner sa ospital.
Baka Bet Mo: Jimuel Pacquiao, girlfriend hinangaan sa simpleng gender reveal
Sa hiwalay na post mula sa kambal ni Jinkee na si Janet Jamora, makikita ang first-time grandmother na nakangiti habang kasama sina Jimuel at Carolina.
Nakabalot sa kumot ang sanggol na nakahiga sa dibdib ng kanyang ina.
Dumagsa rin ang komento mula sa mga kaibigan at fans ng pamilya Pacquiao na nagpahayag ng kanilang tuwa at panalangin para sa kaligtasan nina Carolina at ng kanilang newborn.
May ilan ding netizens na nagsabing excited na silang makita ang kauna-unahang apo ng pamilya.
"Congratulations on the biggest blessing," saad ni Jackie Forster.
Sey naman ng isang fan, "Congratulations to the new parents, Jimuel and Carolina; to Manny and Jinkee on the arrival of your beautiful new grandchild."
Matatandaang noong May 2025 nang ibandera sa publiko nina Jimuel at Carolina ang kanilang relasyon.
Noong July ay nagkita ang pamilya ng dalawa na lalong nagpaigting ng mga espekulasyon tungkol sa engagement.
Lumabas din ang mga usap-usapang inaasahan na nila ang kanilang unang anak.
Noong October, kinumpirma ni Jinkee na buntis nga si Carolina at ibinahagi rin niya ang gender ng kanyang unang apo.
The post Jimuel Pacquiao certified daddy na, dyowa ipinanganak ang isang baby girl appeared first on Bandera.

No comments: