Romualdez todo-deny sa paratang ni Co: ‘My conscience remains clear’

PINABULAANAN ni dating House Speaker Martin Romualdez ang mga ibinibintang sa kanya ni resigned Ako Bicol Rep. Zaldy Co kaugnay ng umano'y budget insertions sa 2025 national budget.
Giit ng Leyte representative, wala ni isang dokumento o testimonya sa ongoing inquiry ang nag-uugnay sa kanya sa anumang iregularidad.
Sa kanyang pahayag na iniulat ng INQUIRER, firm si Romualdez sa sinabi niyang, "My conscience remains clear… Throughout this inquiry, no public official, contractor, or witness has pointed to any wrongdoing on my part."
Umariba naman siya sa hindi pagkomento sa pinakabagong banat ni Co, na ayon sa kanya ay, "[It's] not made under oath and do not hold water in the court of law."
Baka Bet Mo: Dating Speaker Martin Romualdez itinuro ni Chiz na ugat ng watak-watak na bansa
Kumpiyansa ang kongresista na gagawin nang maayos ng Independent Commission on Infrastructure (ICI), Department of Justice (DOJ), at Office of the Ombudsman ang imbestigasyon.
"I remain ready to cooperate with any lawful process, and I am confident that the truth will emerge through the proper institutions," dagdag pa niya.
Ito ang unang pagkakataon na diretsahang sinagot ni Romualdez ang mga pasabog ng dating House leader ng Ako Bicol.
Noong Biyernes, November 14, nang maglabas ng akusasyon si Co na si Pangulong Bongbong Marcos umano ang nagmaniobra para maipasok ang P100 billion fund sa bicameral conference committee para sa 2025 General Appropriations Act.
Ito ay sa pamamagitan nina Romualdez, Budget Secretary Amenah Pangandaman, at Presidential Legislative Liaison Office Undersecretary Adrian Bersamin.
Hindi pa doon nagtapos ang kontrobersiya dahil Sabado ng umaga, November 15, isa pang grabeng pahayag ang pinakawalan ni Co na ang sabi niya ay siya at ang kanyang staff ay nag-deliver ng luggage na puno ng salapi sa mga tirahan nina Marcos at Romualdez, at sinasabing 25% umano ng kickbacks mula sa P100 billion insertions ay napunta kay Marcos.
The post Romualdez todo-deny sa paratang ni Co: 'My conscience remains clear' appeared first on Bandera.

No comments: