BREAKING NEWS

Oyo Sotto ‘corrupt’ din noon, naubos savings sa droga, alak: ‘Doon ako natuto’

Oyo Sotto 'corrupt' din noon, naubos savings sa droga, alak: 'Doon ako natuto'
PHOTO: Facebook/Oyo Sotto

AMINADO si Oyo Sotto na may time sa kanyang buhay na naubos halos lahat ng kanyang ipon dahil sa mga bisyo niya noon, katulad ng droga at alak.

Pero nabago raw ang "corrupt" niyang pamumuhay dahil sa pananampalataya.

Ibinahagi ni Oyo ang kanyang kwento nang mag-usap sila ng kanyang ina na si Dina Bonnevie sa isang episode ng online show na "House of D" noong November 7. 

Kasama rin sa naging conversation ang kanyang misis na si Kristine Hermosa, kapatid na si Danica, at bayaw na si Marc Pingris.

Baka Bet Mo: Oyo Sotto umamin: Ang sama kong tao noon, nagpaka-wild ako, as in pakawala talaga

Naalala ng aktor ang kanyang nakaraan habang tinatalakay ang isyu ng mga politiko at katiwalian sa gobyerno.

"Corrupt din ako dati. I was corrupted — nagsisinungaling ako, nambababae, nagda-drugs, umiinom, nagsisigarilyo, kung anu-ano," pag-amin ni Oyo.

"Pero when I met Jesus, noong nagkaroon ako ng relasyon sa Kanya, doon naayos 'yung buhay ko. Repentance," sey niya.

Nang tanungin ng kanyang ina kung ano ang nag-trigger ng kanyang pagbabago, ang sagot ni Oyo: "'Yun 'yung time na I was doing drugs."

"Naubos na 'yung pera ko, naubos na 'yung savings ko," chika pa niya, at aminado rin siyang kinailangan pang manghiram ng kotse kay Danica dahil naibenta na niya lahat ng kanyang limang sasakyan.

Inamin din ni Oyo na iniwasan niya ang mga tao noong panahong iyon dahil alam niyang mali ang kanyang ginagawa.

Naging emosyonal naman si Danica habang inaalala rin kung paano kinailangang manghimasok at disiplinahin siya ng kanilang tatay na si Vic Sotto noon.

"Tiningnan ko yung ATM ko, P2,000 [lang ang laman] sa kakainom, kakabili ng droga, mga gano'n," kwento ni Oyo.

Giit pa niya, "Doon ako natuto."

"Parang kailangan kong madapa nang sobra-sobra; kailangang humampas 'yung mukha ko sa putik bago ko ma-realize na, 'Hindi ko pala kaya to'," dagdag niya.

Matapos ang karanasang iyon, sinabi ni Oyo na isinuko niya ang sarili sa Diyos at nagsisi, at iminungkahi pa na ganito rin ang dapat gawin ng mga politiko.

The post Oyo Sotto 'corrupt' din noon, naubos savings sa droga, alak: 'Doon ako natuto' appeared first on Bandera.


Oyo Sotto ‘corrupt’ din noon, naubos savings sa droga, alak: ‘Doon ako natuto’ Oyo Sotto ‘corrupt’ din noon, naubos savings sa droga, alak: ‘Doon ako natuto’ Reviewed by pinoyako on November 15, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close