BREAKING NEWS

PBBM: May ebidensya pagsabit nina Romualdez, Co sa DPWH fund mess

PBBM: May ebidensya pagsabit nina Romualdez, Co sa DPWH fund mess
PHOTO: Facebook/Bongbong Marcos

INANUNSIYO ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., na magsusumite ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) at ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa  Office of the Ombudsman  ng mga ebidensya kaugnay sa mga anomalya sa flood control projects.

Ayon pa sa Punong Ehekutibo naiugnay sina dating House Speaker Martin Romualdez at dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co sa mga sinasabing anomalya base sa mga ebidensyang hawak ng ICI at DPWH.

"At kaya ngayon, ay nais kong ipaalam sa ating mga kababayan na ang ICI at saka ang DPWH ay lahat ng nakuha nila na impormasyon, ay irerefer, ibibigay na sa Ombudsman para imbestigahan ng Ombudsman," sabi ni Marcos Jr., sa video message na inilabas ng Malakanyang.

Baka Bet Mo: Satisfaction rating ni PBBM umangat ng 20 puntos – SWS

Idinagdag pa nito na maaaring plunder o pandarambong, paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at indirect bribery ang kaharapin nina Romualdez at Co.

Samantala, sa panayam kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa Senado, sinabi nito na susundan lamang nila ang direksyon ng mga ebidensya.

Aniya maaaring sa darating na Lunes pa mahaharap ang mga ebidensya ng ICI at DPWH.

Tiniyak din ni Remulla na hindi sila magiging padalos-dalos sa kanilang gagawin na mga hakbang at susuriin nila ng husto ang mga ebidensya at testimonya.

The post PBBM: May ebidensya pagsabit nina Romualdez, Co sa DPWH fund mess appeared first on Bandera.


PBBM: May ebidensya pagsabit nina Romualdez, Co sa DPWH fund mess PBBM: May ebidensya pagsabit nina Romualdez, Co sa DPWH fund mess Reviewed by pinoyako on November 21, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close