Martin Romualdez sinabing haharapin kasong pandarambong, katiwalian at panunuhol

NAGPAHAYAG ng kahandaan si Leyte 1st District Representative Martin Romualdez na harapin ang anumang kasong isasampa ng Office of the Ombudsman laban sa kanya kaugnay sa mga sinasabing anomalya sa flood-control projects.
Iginiit ng kongresista na handa siyang makipagtulungan sa Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Baka Bet Mo: Martin Romualdez, Zaldy Co iimbitahan sa Senate hearing – Ping
Una ng humarap si Romualdez sa ICI nang ipatawag siya.
Inirekomenda ng ICI at Department of Public Works and Highways sa Office of the Ombudsman na sampahan ng mga kaso sina Romualdez at dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co.
Umaasa na lamang din si Romualdez na patas na imbestigasyon.
The post Martin Romualdez sinabing haharapin kasong pandarambong, katiwalian at panunuhol appeared first on Bandera.

No comments: