Medical excuse ni Zaldy Co luma na, sey ni Win Gatchalian

ISYUNG pang-medikal ang idinahilan ni dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co kaya't hindi nito napagbigyan ang imbitasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na humarap sa pagdinig ukol sa mga anomalya sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ngunit, ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian ang sinasabing "medical excuse" ni Co ay base sa medical records na may petsa noon pang nakaraang Enero.
Baka Bet Mo: Zaldy Co inutusan lang daw ni PBBM, Romualdez: 'Ginamit akong panakip-butas'
"Dito sa kanyang excuse letter, meron siyang medical records na sinasabi niya na hindi siya makakadalo dahil meron siyang karamdaman. Pero nung tinignan ko itong pinadala niyang medical records, unang una po, this is dated January 23, 2025, so outdated na ho 'to," pambubuking ng senador.
Sa pagdinig, hiniling ni Gatchalian na magpalabas ang komite ng subpoena laban kay Co para humarap sa komite.
Ngunit inamin nito na ang pagpapalabas ng subpoena ay depende kung magkakaroon pa ng pagdinig.
The post Medical excuse ni Zaldy Co luma na, sey ni Win Gatchalian appeared first on Bandera.

No comments: